Menor-de-edad na mga estudyanteng suspek sa pamamaril sa isang high school sa Tacloban City, arestado

Share

ARESTADO ang dalawang menor-de-edad na mga estudyanteng suspek sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City ilang oras matapos ang insidente na nangyari kaninang umaga pagpasok ng mga mag-aaral.

Tatlong estudyante, isang lalaki at 2 babae, ang nasawi habang 13 naman ang sugatan sa pamamaril at inaalam pa ng mga otoridad kung saan nakuha ng mga suspek ang ginamit na baril na isang revolver at isang pistola.

Panoorin ang video sa pamamagitan ng pag-click sa link na ito.

Binuhat ng isang lalaki ang isang estudyanteng biktima ng pamamaril.

Ayon sa ilang ulat, nag-post pa muna umano ang mga suspek sa social media ng mga baril na gagamitin at tila ipinagyayabang pa ng mga ito.

Lumilitaw na nagtanim umano ng galit ang mga suspek dahil sa pambu-bully, ayon sa PNP Public Information Office Acting Chief na si PCol. Allen Rae Co sa isang press briefing.

Mariin namang kinondena ng mga opisyales ng Tacloban ang marahas na insidente at tiniyak sa kaanak ng mga biktima na maglalaan ng tulong ang lokal na pamahalaan sa iba’t ibang paraan.

Kasama sa tulong ang psychosocial aid upang tulungan ang mga biktima na malampasan ang sikolohikal na epektong idinulot ng nasabing insidente.

Bago ang insidente, nag-post muna umano sa social media ang dalawang suspek at ipinagmalaki ang kanilang baril.

Kinumpirma ng mga otoridad na isang pulis ang tiyahin ng isa sa dalawang menor-de-edad na estudyanteng suspek kung saan ang inisyu na Glock 9mm service firearm ay ginamit umano sa pamamaril.

BASAHIN  3 drug suspects, huli sa buy bust ops sa Caloocan City

Isinailalim na sa custodial investigation ang nasabing policewoman at inaalam kung paano napasakamay ng estudyanteng suspek ang baril ng tiyahin.

Suspendido ang mga klase sa nasabing eskuwelahan habang patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad.

Samantala, mula Hunyo 24 hanggang Hunyo 26 isasailalim sa Psychological First Aid (PFA) sessions ang mga guro, kawani at mag-aral na nakasaksi sa insidente na nagdulot ng trauma sa marami.

Naka-handusay ang dalawang biktima ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.

Agad namang nagpadala ng pakikiramay ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa mga naulila ng limang napaulat na namatay at sugatan sa nasabing insidente.

Kasunod ng insidente, idineklara ng Department of Education Tacloban City Division na suspendido muna ang mga klase sa San Jose National High School, San Jose Central School at Manlurip Elementary School.

Nakadepende ang pagbabalik ng klase depende sa rekomendasyon ng mga eksperto sa education at mental health matapos ang isinasagawang PFA sessions.

Ihahatid namin ang iba pang detalye sa ulat na ito sa oras na makakuha kami ng karagdagang impormasyon.

IBA PANG BALITA

Persistent ‘Habagat’ rains threaten Luzon and Visayas as multiple weather systems enhance monsoon

PERSISTENT rains from the southwest monsoon, locally known as habagat, will continue to drench key regions across Luzon and the Visayas through midweek, state...

Monsoon rains gridlock Metro Manila, halting Pasig River Ferry operations

HEAVY monsoon rains enhanced by the southwest monsoon (habagat) triggered street-level flooding across Metro Manila on Saturday, August 8, forcing the continuous suspension of...

PH foreign reserves ease to $103.4 billion in july, maintaining strong financial shield

PH foreign reserves ease to $103.4 billion in july, maintaining strong financial shield THE Philippines’ gross international reserves (GIR) dipped to US$103.4 billion at the...

Sandro Marcos opens up on Duterte camp’s 2022 endorsement terms

HOUSE Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos revealed that the eventual fallout of the "UniTeam" alliance was largely foreseen, pointing to an intense underlying...

Apple Pay officially arrives in the Philippines with major banking partners

APPLE Pay has officially launched in the Philippines, allowing local cardholders to make secure, contactless payments using their Apple devices across retail stores, mobile...

Anak ng retiradong propesora, nagsalita na; mabilisang aksyon ng PNP, ipinagpasalamat

IPINAGPASALAMAT ni Juan Caoile, anak ng retiradong propesora na dinakip ng Imus Police, matapos sibakin sa puwesto ang hepe ng Station Drug Enforcement Unit...