Top 3 most wanted at rapist ng bata arestado sa Pasig

Share

INARESTO ng mga awtoridad noong Enero 10, 2025 bandang ala-1:40 ng hapon, ang isang rapist sa isinagawang manhunt operation matapos iniutos ng korte na dakpin sa pinakamadaling panahon ang salarin sa may Kaimito Street, Pinalad area sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Ayon sa report ni PCol. Hendrix Mangladan, chief of police ng Pasig City Police Station, hindi na nakapalag pa ang suspek na si Alyas “Kuya Vangie,” 44-na taong gulang, may live-in, walang trabaho at residente ng nasabing barangay.

Sinabi pa ni Mangaldan na iniutos ni Hon. Rainelda Estacio-Montesa, Acting Presiding Judge ng RTC Branch 159 sa Pasig City, na hanapin at iharap sa kaniya ang suspek sa bisa ng inilabas nito na warrant of arrest.

Maliban sa panggagahasa sa 14-anyos na dalagitang apo ng kaniyang live-in partner, dati na ring naaresto si Alyas “Kuya Vangie” sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 noong Agosto 3, 2017 at Illegal Gambling noong Marso 10, 2021.

BASAHIN  Bebot huli sa buy bust, P81-K shabu nasabat sa Pasig

Ang pinagsanib na puwersa ng mga awtoridad ayon pa kat Mangaldan ay ang Pasig City Police Station Intelligence Section bilang lead unit, kasama ang National Intelligence and Security Group (NISG-NCR), District Intelligence Division ng Eastern Police District (DID-EPD) at Regional Mobile Force Batallion (RMFB4A0 404th A Maneuver Company.

Nakapiit ngayon ang suspek sa custodial facility ng Pasig City habang hinihintay ang utos ng korte.

Mahaharap sa kasaong Statutory Rape sa ilalim ng Article 266-A (1)(d) walang piyansa at Section 10(a) ng R.A. No. 7610  o Special Protection of Children Against, Exploitation and Discrimination Act, na may piyansang Php80,000.00.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Buhol-buhol na trapik, ngayong long weekend

Dahil sa pagdagsa ng mga biyahero kaugnay ng long weekend at Kapaskuhan, naglatag nang paghahanda ngayong Biyernes ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil...