Jay Sonza inaresto ng NBI sa kasong cyber libel

Share

INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dating broadcast journalist na si Jay Sonza kaugnay sa kinakaharap nitong kaso na cyber libel dahil umano sa pagpapakalat ng pekeng medical records ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Dahil sa sakit na asthma, sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na binibigyan ngayon ng atensyong medikal si Sonza habang nakaditine ito sa detention facility ng ahensya.

Ang nasabing warrant of arrest ay inisyu ng Regional Trial Court (RTC) ng Pasay City kung saan ang cyber libel sa ilalim ng Article 353 ng Revised Penal Code ang naging basehan ng pagkaaresto sa dating mamamahayag, ayon kay Matibag.

BASAHIN  Atty. Mark Tolentino kinuwestyon ang ‘non-bailable’ case vs Sonza

Nilinaw pa ni Matibag na ang kasong nakasaad sa arrest warrant ay non-bailable at dahil holiday ngayong araw ng Biyernes, sa Lunes na umano maaaring asikasuhin ng korte.

Ayon kay Sonza, kararating niya lang umano sa kaniyang bahay sa Projet 8, Quezon City mula Davao City nang siya ay maaresto.

Sasampahan ng kaso si Sonza sa kasong Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances in relation to Cybercrime Prevention Act.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Kursong special ops, Rescue-diving para sa 300 Coast guardians

SINABI ni Rear Admiral Edgardo Hernando, Commander, Coast Guard Special OperationsForce (CGSOF) na nagsimula na ang Coast Guard Special Operations Course (CGSOC) Class33-2023 at...