Green mobility program sa Pilipinas suportado ng Chinese envoy

Share

NAGPAHAYAG ng buong suporta si Chinese Ambassador Jing Quan sa isinusulong ng bansa na isang mas malinis at makakalikasang transportasyon sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga makabagong electric vehicle mula sa China.

Noong Abril 9, 2026, binisita ng embahador ang flagship showrooms ng sikat at gawang China na mga card brand tulad ng BYD at Denza na mabibili na sa Pilipinas.

Sa nasabing pagbisita, inimbitahan ni Quan si Ceferino Rodolfo, ang Undersecretary for the Industry Development Group (IDG) ng Department of Trade and Industry (DTI) upang subukan ang isa sa mga tanyag na modelo ng BYD.

Si Chinese Ambassador Jing Quan habang nasa loob ng showroom ng isang Chinese-made e-vehicle sa BGC (Contributed photo)

Ayon kay Ambassador Quan, inaasahang makatutulong ang mga Chinese new energy vehicles sa pagsusulong ng mas green and environment-friendly na sistema ng transportasyon para sa mga Pilipino.

BASAHIN  Help Desk ng IPOPHL pinasinayaan sa VMall

Ipinapakita rin ng inisyatibang ito ang patuloy na pagpapalakas ng kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa larangan ng teknolohiya, kalakalan, at sustainable development, na naglalayong magbigay ng modernong solusyon sa pangangailangan sa mobility ng bansa. (IZA ALDANA)

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Magna cum laude sa Bulacan, nag-gradweyt na ‘patay’

KAHIT sino’y maiiyak kapag nakapanood sa TV ng balita tungkol sa isang college o high schoolgradweyt na namatay bago sumapit ang araw ng graduation. Pero...