15,000 Libreng wifi sa 2024 – DICT

Share

MASAYANG sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na
nagtakda ito nang target na 15,100 libreng wifi sites sa maraming lugar sa bansa sa 2024.


Kasama sa tunguhin ng DICT ang pagpapatupad ng National Broadband Plan, na maglalagay
ng halos 2,800 kilometrong “dark fiber” na aabot hanggang sa ilang bahagi ng Mindanao sa
Disyembre 2024.

Sinabi ni USec. Heherson Asiddao, Information and Communications Technology, na tinitiyak ng
DICT na magkakaroon ng “cost-effective” internet connections ang mga ahensya ng gobyerno
at LGUs o local government units. Maglulunsad din daw ng dalawang data centers sa susunod
na taon.


Sinabi ni DICT Secretary Ivan John E. Uy, sa House appropriations committee noong
Huwebes, na nagpanukala sila ng badyet na P8.73 bilyon para sa ahensya.

BASAHIN  P2-M benepisyo para sa electrical linemen – Sen. Jinggoy


“The department firmly believes that digitalization is one of the greatest, most powerful tools —
not just to improve the ease of doing business but as a means to eliminate graft and corruption,”
ayon pa kay Uy.


Sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP), may alokasyong P9.86 ang DICT at ilang
ahensya na nasa ilalim nito. Sa badyet na ito, P355.77 milyon ang mapupunta sa Cybercrime
Investigation and Coordinating Center; P347.95 milyon sa National Privacy Commission at
P453.65 milyon para sa National Telecommunications Commission.


Sa halip na tumaas, binawasan pa ang pondo ng DICT mula sa P10.88 bilyon sa taong ito, na
naging P9.86 bilyon dahil sa underspending.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Lalaki, binabawi ang kanyang kidney na donated niya sa misis

LABAN o bawi?Hindi po ito isang laro, kundi laban kontra buhay o kamatayan! Ito’y dahil gusto ng isang mister sa New York na bawiin ang...