Nagpakilalang ‘General’ nanutok ng baril sa isang motorista sa Mandaluyong City

Share

VIRAL ngayon sa social media ang isang nagpakilalang ‘General’ na nanutok ng baril sa isang drayber na nakaparada umano ng ilegal sa harap o malapit sa bahay nito sa Mandaluyong City.

Makikita sa video na ikinasa muna ni “General” ang kaniyang baril bago ito tumawid at kinompronta ang nakaparadang sasakyan at nakipagtalo sa drayber nito.

I-click ito at panoorin ng video

Sa isang tagpo, nainis na ito dahil nakikipagkatuwiranan ang drayber at sinabing isa umano siyang ‘Heneral’ at nang dakong huli ay minura na nito ang drayber at tinutukan ng baril.

Nagbigay naman ng reaction sa social media si Gabriel Go ng MMDA at sinabi nito na kahit pa naka-ilegal parking ang driver ay hindi aniya tama na kasahan ito ng baril ang motorista.

BASAHIN  Snatcher na-trap ng Grab driver, arestado

Ayon pa kay Go, kung totoong ‘Heneral’ ang nasa video, dapat aniya na mas mataas ang tolerance at responsable ito sa pagkakaroon ng baril at hindi dapat gamitin para panakot sa iba.

Binigyang-diin pa ni Go na dapat aniya na maparusahan ang nagpakilalang ‘Heneral’ at iminungkahi na panahon na para muling rebyuhin ang batas kaugnay sa pagmamay-ari ng baril.

Naglabas naman ng opisyal na pahayag ang Mandaluyong PNP at sinabing iniimbestigahan na nila ang nasabing insidente at nire-rebyu ang CCTV, iba pang video at mga nakasaksi sa nasabing pangyayari.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

87 katao nasampolan, 19 sasakyan in-impound ng MMDA

KUNG puro flagged down lamang at walang hinuli noong Abril 15 at 16, ngayong ikatlong araw ay nasampolan ang 18 indibiduwal at 19 na...