HomeNewsNasyunalNBI ready sagupain ang...

NBI ready sagupain ang banta sa seguridad ng bansa

Sisiguruhin ng National Bureau of Investigation (NBI) na handa silang labanan ang banta sa seguridad ng bansa mula sa pampasabog at hazardous materials hangggang sa disinformation at pakikialam ng mga dayuhan.

Ito ay makaraang ilabas ang Administrative Order No. 09, series of 2026, kung saan itinatag ng NBI ang Chemical, Biological, Radiological, Nuclear, and Explosives and Foreign Malign Influence Unit (CFMIU) sa ilalim ng Office of the Director.

Ang yunit ay inatasan na imbestigahan nag lahat ng iligal na aktibidad patungkol sa hazardous substances at explosives, at bantayan at labanan ang dayuhang paninira ng dayuhan katulad ng maling impormasyon, cyber manipulation, at covert interference.

BASAHIN  2 Pulis-QC, sinibak sa pwesto matapos madawit sa Ronaldo Valdez video

Magsasagawa rin ng intelligence analysis sa lumulutang nab anta, magkaroon ng case build-up at prosekusyon at makipag-ugnayan sa lokal at internasyunal partners.

Ang CFMIU ay nakadisenyo sa rapid at coordinated response, ito ay gagalaw sa ilalim ng unit chief at suportado ng mga specialized personnel.

Makikipagtulungan ang NBI sa mga ahensiya katulad ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Department of Health, Department of Information and Communications Technology, at international partners kasama ang INTERPOL.

Ayon sa NBI ito ay gagawin nila para mas lalong mapatingkad ang pambansang seguridad at protektahan ang pampublikong institusyon. (KARLO’GARCIA)

BALITANG NASYUNAL

spot_img

METRO MANILA

BALITANG PROBINSYA

POLICE REPORT

IBA PANG MGA BALITA