QCitizen Data platforms para sa transparent na pamamahala inilunsad ng QC LGU

Share

PARA palakasin pa ang transparent na pamamahala at accountability, inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang “QCitizen Data: Resibo ng Serbisyo,” nitong Mayo 18 kaugnay sa Open Government Week 2026.

Ang digital platform na ito ay magbibigay pahintulot sa mga residente ng lunsod upang direktang maka-access sa government data, i-monitor ang mga proyekto at i-report ang anumang concern ng komunidad, in real time.

Ito ay isang user-friendly platform na binubuo ng QCitizen Data Dashboards, QC Open Infra Dashboard, at QC iReport—mga digital tools na dinisenyo upang malaman ng mga residente kung paano pinatatakbo ang pamahalaan, gastusin at iba pang serbisyo ng lunsod.

Ilan sa mga available na ngayon ay ang may kinalaman sa QC Helpline 122, QCID, PWD Community, Free Maintenance Medicine, Pangkabuhayang QC, at ang QC Scholarship Program.

Dahil sa digital project billboard, maaari nang malaman ng mga residente kung anong mga proyekto ang pinondohan ng lunsod, saan ito matatagpuan, halaga ng budget, tagal ng proyekto, kailan sinimulan at kailan matatapos at kasalukuyang kalagayan ng proyekto.

BASAHIN  9 na barangay sa Maynila nakatanggap ng solid waste management tools mula sa MMDA; bagong warehouse sa Taguig, pinasinayaan

Isang digital reporting platform naman ang QC iReport kung saan puwede nilang ipadala ang mga non-emergency complaints, kahilingan, tanong at concern.

Ang lahat ng ito ay accessible sa QC eServices portal at mobile app at kung nais ng residente na mag-sumite  ng report ay puwede niya itong lakipan ng larawan at i-monitor ang progress at response time gamit ang integrated tracking system.

Ang mga non-emergency concern ng mga residente ay kinabibilangan ng streetlights, baradong kanal,koleksyon ng basura, potholes, ilegal na pagparada, ilegal na mga instruktura, walang business permit.

“Nais natin na madaling maunawaan ng QCitizen kung ano ang ginagawa at pakikipag-ugnayan ng pamahalaan,” ang pahayag ni Mayor Joy Belmonte.

“Ang platform na ito ay magbibigay ng kaalaman sa mga residente sa kung paano tumatakbo ang pamahalaan—mula sa mga proyekto, halaga ng proyekto, at iba pang serbisyo. At kapag makita ng mga tao kung paano ito gumagana at tumutugon, nabubuoo ang matibay na tiwala sa pagitan ng mga nasasakupan at namumuno,” dagdag pa ng alkalde.                                                                

IBA PANG BALITA

Tulong para sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao ikinasa ng PCSO

BILANG pagtalima sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kumilos agad ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at ang Authorized Agent Corporations (AACs) upang...

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

TESDA, OWWA nag-collab para sa pagpapalawak ng skills training, certification ng OFWs

NAGKASUNDO ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang palawakin pa ang programa kaugnay sa skills...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

Balak na i-develop ang mga islang hawak ng ‘Pinas sa SCS

MAY planong i-develop ng Pilipinas ang mga islang hawak nito sa South China Sea(SCS), ayon kay AFP chief of staff Romeo S. Brawner Jr.,...