MABILIS PA SA ALAS KWATRO

Tulong para sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao ikinasa ng PCSO

Share

BILANG pagtalima sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kumilos agad ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at ang Authorized Agent Corporations (AACs) upang maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao.

Isang magnitude 7.8 tectonic na lindol ang tumama sa lalawigan ng Sarangani dakong alas-7:37 ng umaga kanina kung saan iniulat ng Office of Civil Defense (OCD) na 19 na katao ang kumpirmadong nasawi.

Ayon kay PCSO General Manager Melquiades Robles, binibigyan niya ng komendasyon ang mabilis na pagkilos ng kanilang AAC partners sa Mindanao kung kaya nakapaghatid agad ang mga ito ng tulong sa apektadong mga residente.

“Sa panahon ng sakuna, mas lalong nakikita ang tunay na diwa ng malasakit. Our KawanggaWarriors are showing up when our kababayans need us the most,” ang pahayag ni Robles.

“Dahil sa pinagsama-samang pagkilos ng PCSO at Authorized Agents Corporations, naihatid agad natin ang pangangailangan at itutuloy natin ang pagbibigay ng tulong at ng gayundin ng pag-asa sa apektadong  mga pamilya,” dagdag pa ni Robles.

BASAHIN  VP Sara: Ang totoong magnanakaw, sa maleta pinapasok ang pera

Pinasalamatan din ni Robles ang kanilang mga local partners at mga volunteers na maaasahan sa tuwing may mga kalamidad kung kaya nagiging madali sa kanila ang pagsasaayos at pamamahagi ng tulong sa komunidad.

“Ang PCSO ay laging handang umalalay sa ating mga kababayan, lalo na sa panahon ng matinding pangangailangan. We thank our AAC partners in Mindanao for acting with urgency, compassion, and a shared commitment to public service,” giit pa ni Robles.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naramdaman ang tindi ng lindol hindi lamang sa Sarangani kundi pati na rin sa General Santos City at South Cotabato kung kaya’t pinag-iingat ang publiko dahil sa nasirang mga gusali at may panganib pa dahil sa mga aftershocks.

Ang PCSO ay patuloy na makikipag-ugnayan sa kanilang mga AAC partners at mga lokal na pamahalaan upang matukoy pa ang mga lugar na mas nangangailangan ng higit at mabilisang tulong.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

Taas-singil sa kuryente, nakaamba ngayong Enero

Magkakaroon ng 'minimal' o bahagyang pagtaas sa singil sa kuryente ngayong buwan. Ito'y ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, dahil sa pagsirit ng presyo ng...