VIRAL VIDEO: LGBTQ na nanakit ng bata, arestado ng Taguig PNP

Share

ARESTADO ang isang miyembro ng LGBTQ matapos mahuli ng mga tauhan ng Taguig City Police Station kaugnay sa isang viral video ng pananakit ng bata sa Sitio Buyo, Brgy. Western Bicutan, Taguig City, 12:30 ng madaling araw, Mayo 18, 2026.

Kinilala ni PCol. Julius Añonuevo, chief of police ng Taguig CPS, ang suspek na si alyas Carla, 28 anyos, tubong Bacolod City, at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, nag-away umano ang ka-relasyon nito na ina ng bata at ang lasing suspek at nang maawat ng mga kapitbahay ay sa bata nito ibinunton ang galit.

Sapul sa video ang ginawang pananakit sa bata na nakunan nang palihim ng isang nagmamalasakit na kapitbahay na agad nagsumbong sa barangay at mga pulis.

Dinala ang batang biktima sa Taguig-Pateros District Hopsital at agad na nilapatan ng pangunang lunas at iba pang pagsusuring medikal.

BASAHIN  Lalaki na wanted sa pagpatay, arestado sa Caloocan

Agad na tumakas ang suspek ngunit natunton ito ng mga pulis sa isinagawang follow-up operation at nahuli bandang alas-3 ng hapon ng araw din na iyon.

Nasa kustodiya na ng Taguig PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Sinabi ni PBGen. Oliver Cinco, district director ng Southern Police District, na hindi sila magdadalawang-isip na kumilos agad laban sa sinumang mananakit ng bata.

“Mabilis nating tutugunan ang ganitong uri ng insidente upang mapanagot ang mga responsable at maprotektahan ang kapakanan ng ating mga kabataan,” dagdag pa ni Cinco.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

Umangat tayo – Marcos SONA

BUO ang tiwala ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bumubuti ang estado ng bansa kasabaynang pagdating ng isang bagong Pilipinas. Sa ikalawa niyang State...