P170-K shabu nasabat 2 tulak sa QC

Share

Umaabot sa P176,800 halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa ikinasang magkahiwalay na buy bust operation at mahuli anf dalawang tulak sa Quezon City.

Unang inaresto si Joven Gabane, 33-anyos, residente ng Calachuchi St., Brgy. Commonwealth, Quezon  bandang 7:00 Lunes ng umaga sa Quezon City Polytechnic University, IBP Road, Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Isinagawa ng mga tauhan ng DDEU sa pangunguna ni  Asst. Chief, PMaj. Wenn poie Ann Cale ang buy bust operation, kasama ang  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos makatanggap ng report kaugnay sa pagtutulak ng illegal na droga ng suspek.

Isang pulis ang umaktong poseur buyer para makabili ng halagang P10,500.00 shabu sa suspek at nang maayos na ang transaksyon ay doon na nagbigay ng signal ang pulis para arestuhin ang suspek.

BASAHIN  QC bumaba ang Crime rate

Nakumpiska mula sa suspek ang 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000.00, cellular phone, at buy-bust money. 

Samantala, nalambat naman ng mga tauhan ng Holy Spirit Police Station sa pamumuno ni PLtCol. May Genio, ang suspek na si  Jomar Lizardo.

Bandang 11:30 Lunes ng gabi ng isagawa ng Holy Spirit Police ang buy bust operation sa kahabaan ng  Pitonia St., corner Sampaguita, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800.00, at buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa QC detention cell at sinampahan ng kasong paglabag s R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa   Quezon City Prosecutor’s Office.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

2 ‘Cosmetic Surgeon,’ laglag sa Pulisya

Masyadong malakas ang loob ng dalawang babaeng nagpakilalang cosmetic surgeon dahil nagsasagawa ng mga clinical procedure kahit hindi lisensiyado ang nabisto ang palpak na...