MASESELANG LAMAN NG VIDEO IPAPAKALAT

Nursing student arestado sa robbery extortion

Share

ARESTADO ang isang nursing student sa isinagawang entrapment operation ng Pasig City Police Station sa kasong robbery extortion, madaling araw ng Mayo 23, 2026 sa Ortigas Center, Pasig City.

Ayon sa police report, kinilala ang suspek na si “Jessia,” 26, isang nursing student at residente ng Quezon City samantalang ang biktima ay si “Wilfred,” 36-anyos na empleyado ng bangko.

Batay sa ulat, bandang alas-2:30 ng madaling araw nang ikasa ng mga tauhan ng Pasig CPS ang entrapment operation sa Cotti Coffee sa Ortigas Centre, Brgy. San Antonio, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Bago nito, nagtungo muna ang biktima sa Ortigas Police Sub-Station upang magsumbong hinggil sa umano’y patuloy na pangingikil sa kanya ng suspek simula pa noong Marso 9, 2026 na umabot na sa humigit-kumulang 600,000.

Sinabi ni “Wilfred” na nagbanta umano ni “Jessica” na ibubunyag nito sa kaniyang pamilya ang mga maseselan nilang video kaugnay sa kanilang naging imoral na relasyon noong Disyembre 2024 at Enero 2025 at mas matindi pa ay sa kaniyang pinagtatrabahuang bangko.

BASAHIN  Sales boy buking sa pagsikwat ng van

Dahil sa walang tigil na pangingikil, napuno na ang biktima nang muli itong humiling ng halagang 6,000 nitong Mayo 22 para umano sa pang-enroll ng suspek.

Sa nasabing entrapment operation, matagumpay na naaresto ang suspek at narekober ang marked money na binubuo ng isang tunay na 1,000 bill at limang piraso ng boodle money.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa custodial facility ng Pasig CPS at inihahanda na ang kaukulang kasong kriminal sa Pasig City Prosecutor’s Office.

LATEST STORIES

₱13.16-M illegal mining operation busted in Iligan City; 3 arrested

CAMP ALAGAR, Cagayan de Oro City—Joint law enforcement agencies intercepted a massive illegal mining site in Sitio Binasan, Barangay Rogongon, Iligan City, resulting in...

₱124K worth of smuggled cigarettes seized in Tagoloan public market; vendor cited

CAMP ALAGAR, Cagayan de Oro City—Police operatives confiscated 155 reams of suspected smuggled cigarettes valued at ₱124,000 during an enforcement operation at the public...

₱1.35-M mineral ore shipment halted; 3 collared at checkpoint

EL SALVADOR CITY, Misamis Oriental—Police intercepted an unauthorized shipment of suspected mineral ores valued at over ₱1.35 million and arrested three men at a...

MMDA to use smartphone application as intelligent transport solution in addressing traffic

THE Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) is turning to digital innovation to tackle Metro Manila’s persistent gridlock, leveraging mobile applications to drive positive behavioral...

BIR files ₱2.228B tax evasion case against offshore gaming firm Hongsheng

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) has filed a ₱2.228-billion tax evasion complaint with the Department of Justice (DOJ) against offshore gaming operator Hongsheng...

1945: Unang panalo ng Ph laban sa mga Hapon

Noong Hunyo 14, 1945, ang pinagsamang pwersa ng mga Pilipino at Amerikano ay tumalo sa hukbong Hapones sa ilalim ni Gen. Tomoyuki Yamashita sa...