Hazing sa PNPA: Director at 8 opisyal, sinibak sa pwesto – PIO chief BGen. Tuaño

Share

Sibak sa pwesto si PNPA-director BGen. Andrei Dizon at walo pang opisyal dahil sa 20 kadete na binuhusan ng pinaghalong muriatic acid at drain cleaner sa likod ng mga biktima.

Batay sa kautusan noong Abril 15, itinalaga ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., si BGen. Redrico Maranan, regional director ng Police Regional Office-7 (PRO-7) sa Central Visayas, bilang acting director ng PNPA, kapalit ni BGen. Andrei Dizon, na inilipat sa Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU).

Ito’y kasunod ng hazing incident noong Abril 3 kung saan tatlong second-year cadets ang naglagay ng pinaghalong muriatic acid at drain cleaner sa likod ng mahigit 20 kadete.

Ang pumalit bilang direktor ng PRO-7 ay si BGen. Arnold Evangelista Abad, habang si BGen. Arnold Casingal Santiago ay hinirang bilang acting director ng Manila Police District, kapalit ni Abad.

BASAHIN  6 sugarol arestado sa cara y cruz at shabu sa Caloocan

Ayon kay PNP-PIO Chief, P/BGen. Randulf Tuaño, nag-ugat ang reshuffle sa insidente sa PNPA.

Ayon sa isinagawang press briefing ngayong araw anya ang itinakdang turnover sa PRO-7 at bukas sa PNPA.

Bukod kay Dizon, walong iba pang opisyal ng PNPA — isang brigadier general, dalawang koronel, dalawang major, at tatlong sarhento — ang na-relieve sa kanilang mga puwesto at na-reassign sa PHAU.

Dagdag ni Tuaño, ang pagsibak sa 9 na opisyal kabilang ang 3 sarhento ay batay sa direktiba ng PNP Chief na sibakin ang mga ito sa pwesto. (Edwin Moreno)

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Kakulangan sa pondo ng SUCs pupunan ng 2024 budget — Gatchalian

Tutugunan ng 2024 General Appropriations Act (GAA) ang kakulangan sa pondo ngState Universities and Colleges (SUCs), ayon kay Senador Win Gatchalian. Nasa 2024 GAA ang...