2 drug user kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Navotas

Share

Kulungan ang bagsak ng dalawang drug user matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala lang ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang mga naarestong suspek na sina alyas “Rocky Buang”, 44-anyos at alyas “Bugoy”, 30-anyos,  kapwa  residente ng Barangay NBBS Proper.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagbebenta ng shabu ni alyas Rocky Buang kaya isinailalim na agad nila ito sa validation.

BASAHIN  Suspek sa panggagahasa ng estudyante sa gasolinahan arestado

Nang makumpirma ang tip, kaagad nagsagawa ang SDEU ng buy bust operation bandang 11:30 kamakalawa ng gabi sa Tanigue Extn., Brgy. NBBS, na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10.6 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P72,080.00, at isang P500 bill na ginamit bilang buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

IBA PANG BALITA

Eugene Nacino hinirang na 2026 ‘Makata ng Taon’

GAGAWARAN ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Eugene Geibrielle Nacino ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2026 para sa kaniyang tulang: “Asín...

Mister tinapos ang sariling buhay matapos palakulin si misis

ISANG kaso ng parricide ang iniulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) matapos matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang misis na sugatan...

Carnapper na nang-blackmail sa Rizal, arestado 

ARESTADO ang isang lalaki nang masakote ng mga pulis matapos manghingi ng pera sa biktima para maisauli ang ninakaw na motor sa Antipolo City,...

AFP: Napaslang na aktibistang UP student sa NegOcc ‘armado,’ may ‘combat rig’

NANININDIGAN ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang naunang pahayag na ang napaslang na estudyante ng University of the Philippines (UP) sa...

Meralco muling nagbabala: Ang pagnanakaw ay ‘nakakakuryente’

NAGBABALA muli ang Manila Electric Company (Meralco) laban sa nagbabalak magnakaw ng mga materyales o kawad ng kuryente sa kanilang mga pasilidad. Ito’y matapos masawi...

Siklista sa viral video, pinilit daw makipag-ayos,hinihingan pa ng P800 ng dating pulis

PINILIT daw makipag-ayos ang siklistang napanood sa viral video, na kinasahan attinutukan ng isang na-dismiss na pulis sa Quezon City noong Agosto 8. Ayon sa...