Timor-Leste Pres., bibisita sa ‘Pinas; Teves, kasama sa agenda?

Share

OPISYAL NA!
Bibisita sa bansa si Timor-Leste President José Ramos-Horta sa Nobyembre 10, ayon sa
Malacañang kahapon.


Hindi pa malinaw kung pag-uusapan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Ramos-Horta ang
pagpapabalik sa Pilipinas nang sinipang si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.


Matatandaang si Teves – na matagal nang nagtatago sa Timor-Leste – ay humiling noon ng
political asylum pero ito ay hindi ibinigay ng gobyerno rito.


Nauna na rito, inakusahan si Teves na siyang utak sa pagpapatay kay Negros Oriental
governor Roel Degamo noong Marso.


Sa opisyal na pahayag ng Presidential Communications Office, pag-uusapan ng dalawang lider
ang magiging kooperasyon ng dalawang bansa tungkol sa teknikal, politikal, edukasyon at
ekonomiya.

BASAHIN  Lacson: 67 'congtractor' inihalal noong 2022


Bahagi rin ng mga pagpupulong ang Department of Foreign Affairs, Department of Trade and
Industry, Department of Justice, Department of Science and Technology, at ang Department of
Social Welfare and Development.


Tiniyak ni Marcos ang patuloy na pag-suporta sa Timor-Leste sa hangarin nito na maging full-
fledged member ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Dapat gawin sa ere ang resupply mission sa Ayungin

SINABI ni Cagayan de Oro 2nd dist. Rep. Rufus Rodriguez na dapat ikonsidera ng mgaawtoridad ang paggamit ng sasakyang panghimpapawid sa kanilang resupply mission...