Speaker Dy tiwala sa pagbaba ng presyo ng gasolina

Share

Hindi nawawalan ng pag-asa si House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa pagbaba ng presyo ng gasolina bunsod ng anunsiyo ni Presidente Marcos Jr. kagabi kaugnay sa rollback ng presyo ng gasolina.

Ayon kay Speaker Dy positibong pangyayari ito dahil ang bawas presyo ay malaking tulong sa mga Filipino at pagpapakita ng tamang hakbang ng pamahalaan para maramdaman ang epekto nito sa buong kapuluan.

Ibinaba ang presyo ng ₱20.89 kada litro ng diesel, ₱4.43 for gasolina, at ₱8.50 sa kerosene.

Ito at makakabawas sa bigat na hinaharap ng sektor ng transportasyon, agrikultura at logistics, na siyang magbubukas ng oportunidad para mapababa ang inflation kasama ang presyo ng essential goods.

“The Executive is doing its part to cushion the impact of the Middle East crisis, and these rollbacks provide real and immediate relief. Our task now in the House is to make sure these gains are reinforced, sustained, and translated into lower costs for food, transport, and basic goods,” ayon kay Dy.

Binigyan diin ni Dy na ang Legislative Energy Action Development (LEAD) Joint Committee hearings ay nakadisenyo para masusugan ang aksiyon ng ehekutibo para matukoy ang policy tools para makatulong sa benepisyo ng pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo kasama na ang panukalang KALINGA Act.

BASAHIN  ₱1.2-B ayuda napunta sa MC taxi “ghost riders”?

“Kailangan tuluy-tuloy ang aksyon. Kapag may mga positibong hakbang ang Executive, dapat masundan ito ng mga panukala na magpapatatag ng supply chains, magpapababa ng logistics costs, at magpoprotekta sa consumers. That is exactly what we are working on through the LEAD hearings and the proposed KALINGA bill,” ayon kay Dy.

Ipinaliwanag pa ni Dy na ang paggalaw ng presyo ng Langis ay direktang nakakaaapekto sa presyo ng pangunahing bilihin kaya kailangan ang mainam na koordinasyon sa pagitan ng ehekutibo ay lehislatura para masigurong ang benepisyo ay tatagos sa bawat pamilya.

“Kapag bumaba ang presyo ng diesel, may pagkakataon tayong pababain ang gastos sa transportasyon ng pagkain. Ang panukalang KALINGA bill ay magpapalakas dito sa pamamagitan ng pagsuporta sa logistics, para maging maayos ang suplay ng pangunahing pagkain at maasiguro ang alokasyon ng langis para sa pagkain at distribution chains,” dagdag pa niya. (KARLO GARCIA)

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Julie ann san jose, muntik nang maipit sa Israel conflict

HINDI natuloy ang concert nina Julie Ann San Jose, Rayver Cruz, at Boobay sa Tel Aviv Israelkamakailan, dahil sa pagsiklab ng kaguluhan. Mayroon sanang concert...