Kapote pumulupot sa gulong, rider patay sa aksidente

Share

PINANINIWALAANG pumulupot sa gulong ang kapote ng isang motorcycle rider na nagresulta sa pagka-aksidente nito sa Sitio Kapatagan, Brgy. San Jose, Antipolo City, Biyernes ng uamaga.

Ayon sa report, kinilala ang biktima na si Jenney “Junior” Herona Jr., residente ng Baras, Rizal at nagde-deliver ng fresh chicken nang mangyari ang aksidente.

Sa inisyal na embestigasyon, sakay ng Suzuki Raider 110cc motorcycle ang 22-anyos na biktima bandang alas-6:05, Biyernes ng umaga at patungo itong Marcos Highway.

Habang dumadaan sa kahabaan ng Kapatagan Road si alyas “Junior” sa Sitio Kapatagan, Brgy. San Jose sa Antipolo City, bigla na lamang umanong kinain ng gulong sa hulihang bahagi ng motorsiklo ang kapote ng biktima.

BASAHIN  Tambay arestado sa shabu at panghihipo sa dalagita

Nawalan umano ng kontrol ang driver at lumipat ito sa kabilang lane na siya namang pagdaan ng kasalubong na L300 van at sumalpok nang nawalan ito ng kontrol.

Isinugod naman agad sa  Antipolo City Hospital System Annex 3–Cabading ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Tv show ni digong, dapat imbestigahan ng MTRCB – Solon

ISANG araw matapos ireklamo ng grave threat ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castrosi dating Pangulong Rodrigo Duterte, hiniling niya ang MTRCB na imbestigahan...