Monsod dismayado sa usad-pagong na planong pagdinig ng senado sa impeachment case vs VP Sara

Share

DISMAYADO si dating Commission on Elections (Comelec) chairman at isa sa mga bumalangkas ng 1987 Konstitusyon na Atty. Christian Monsod sa mabagal o usad-pagong na planong pagdinig sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ang sinabi ni Monsod sa “The Agenda” media forum sa Club Filipino sa San Juan City noong Biyernes, Marso 7, 2025 matapos malaman na iba’t iba ang mga ginagawang dahilan hindi lamang ng pamunuan ng senado kundi pati ng mga miyembro nito.

Na-impeach si Vice President Sara Duterte-Carpio sa Mababang Kapulungan ng Kongreso nito lamang Pebrero 5 dahil sa paglabag sa 1987 Konstitusyon, graft and corruption, maling paggamit ng confidential funds at betrayal of public trust.

Sinabi pa ni Monsod na bilang isa sa mga bumalangkas ng Konstitusyon, malinaw aniya ang sinabi sa Article XI, Section 3, na kung saan isinasaad ang pananalitang “the trial by the Senate shall forthwith proceed” sa oras na matanggap nito ang verified impeachment complaints.

BASAHIN  Iskedyul ng driver's license renewal ikinasa ng LTO; plastic license cards muling gagamitin

Ayon kay Monsod, kapag sinabing “forthwith,” ito’y nangangahulugan, ayon sa diksyunaryo, na “kaagad,” dahil aniya, pinoprotektahan nito ang mga tao at hindi isang pagpaparusa sa kanila.

Hinamon pa ng dating Comelec chairman ang publiko na dapat aniyang alamin ng mga ito bilang botante kung sinu-sino ang mga senador na tumatangging simulan na ang pagdinig.

“Nagtatanong nga ako, sino ba itong mga senador na ito na tumatanggi na umpisahan na ang pagdinig sa lalong madaling panahon? Ito ay para na rin malaman ng publiko,” ayon kay Monsod.

“Sa tingin ko, talagang gusto ng mga senador na ipagpaliban ito dahil natatakot sila na malaman ng mga botante kung ano ang kanilang tunay na kulay sa panahon ng pagdinig sa impeachment at posibleng maapektuhan ang kanilang boto,” dagdag pa ng abogado.

Ayon sa huling pahayag ni Senate President Francis Escudero, didinggin ng senado ang impeachment labas sa pangalawang pangulo sa darating Hulyo 30, 2025.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Masaya si Bunny paras sa relationship ng anak na special child

VERY challenging talaga ang magkaroon ng special child para sa kahit na sinong magulang.Pumayag si Bunny Paras sa anak na si Moira Greenway na...