Babaeng estudyante ng Rizal High School na nabangga ng motorsiklo, kritikal

Share

KRITIKAL ang kalagayan sa kasalukuyan ng isang babaeng estudyante ng Rizal High School matapos itong mabangga ng humaharorot na motorsiklo habang tumatawid ito sa Dr. Sixto Antonio Avenue malapit sa BDO at Meralco dakong alas-7 ngayong umaga.

Kinilala ang biktima na si Angel Montano, 16-na taong gulang at isang senior high school student ng nasabing paaralan na residente ng Brgy. San Nicolas.

Napag-alaman na ang nakabanggang motorsiklo ay minamaneho ni Jericho Sy, 54 anyos at ang dalawang sakay nito ay kinilalang sina Christopher Jhongoy, 19 na taong gulang at Cassandra Sy, 15 taong gulang na mga residente ng Barangay Bambang.

BASAHIN  Hiwalay na social security para sa ofws – Rep. Salo

Kaagad na kinordon ng mga miyembro ng Bantay Pasig ang pinangyarihan ng aksidente at inayos ang daloy ng trapiko at mga nakikiusyusong mga tao.

Matapos lapatan ng paunang lunas ng mga medic ng Metro Pasig Medical, dinala ang 4 na pawang mga sugatan sa Pasig City General Hospital (PCGH).

With additional reports from Robin Quinto

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Pinoy seafarers, ligtas sa Houthi missile attacks

ANIM na missiles ang pinalipad ng Yemeni Houthi rebels nitong Peb. 6 sa direksyon ngdalawang merchant ships na may mga tripulanteng Pilipino. Ayon sa report...