Impeachment court ‘di tinabla ng Kamara—Zamora

Share

MARIING pinabulaanan ni San Juan City Congresswoman Ysabel Maria “Bel” Zamora ang akusasyon na tinabla umano ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kautusan ng impeachment court.

Sa pagdiriwang ng ika-127 Araw ng Kalayaan sa Pinaglabanan Shrine, sinabi ni Zamora na bilang miyembro ng House prosecution team, alam niya umano na wala silang magagawa kundi ang tumalima sa direktiba ng impeachment court.

“Hindi namin kinokontra ang impeachment court tulad ng pahiwatig ni Senate President Francis “Chiz” Escudero. Bilang mga taga-usig, kailangan naming magpasakop sa ilalim ng batas. At ang aming mga aksyon ay saklaw ng impeachment court,” ang pahayag ni Zamora.

Sa kabila nito, nanindigan ang mambabatas na walang awtoridad sa ilalim ng konstitusyon ang Senado na ibalik sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ipinasa nilang articles of impeachment.

“Wala sa Saligang Batas na maaari nilang ibalik o isauli ang articles of impeachment. Isa pa, nag-isyu na sila ng mga summons kaya para saan pa ang pagbalik nila ng articles of impeachment,”? ayon pa sa mambabatas.

BASAHIN  Komite ni Marcoleta tatalakay sa kaso ni VP Sara?

“Ano ang isasama nila sa summons? Siyempre, kailangan nilang ilakip ang articles dahil ito mismo ang dapat sagutin ni Vice President [Sara Duterte] na inaasahan natin. Kahit na hindi ito espisipikong binabanggit ng kanilang patakaran, wala pa rin silang awtoridad. Yan ang aming posisyon,” dagdag pa ni Zamora.

Idinagdag pa ni Zamora na sa ilalim ng Saligang Batas, kapag isinumite na ng Kongreso ang articles of impeachment, kaagad na simulan ng Senado ang pagdinig dito.

Ayon pa sa babaeng mambabatas, sinunod nila ang kanilang mga patakaran at na para bang kinuwestiyon sila ng Senado sa pag-isyu nito ng resolusyon para lang linawin di-umano sa kanila kung sinunod ba nilang ang konstitusyon.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Pelikula ni Bea alonzo, Nilangaw sa US

NILANGAW daw ang special screening sa US ng pelikula ni Bea Alonzo na 1521: The Questfor Love and Freedom, na ipinalabas noong Oktubre 2,...