Pagbuwag sa provincial rate na pasahod aarangkada na sa plenaryo

Share

AARANGKADA na sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magbubuwag sa provincial rate na pasahod sa mga manggagawa.

Ito ang sinabi ni Rep. Eli San Fernando ng Kamanggagawa Partylist at pangunahing nagsusulong sa nasabing panukala, matapos aprubahan ang komite report.

Sa inilabas na video ng kongresista, may pananabik nitong inanunsyo at humihiling sa mga manggagawa na tulungan siyang maisalang agad sa plenaryo upang pagdebatehan o dili kaya’y amyendahan ang ilang probisyon sa panukala.

“Tulungan ninyo akong kalampagin ang inyong mga district representative o partylist representative upang bumoto pabor sa panukalang ito,’ ang pakiusap ni San Fernando.

Ang pagbuwag sa nasabing provincial rate na pasahod ay numero unong tinutukan ng mambabatas nang manalo ito sa nakaraang halalan upang aniya ay tuparin ang kaniyang ipinangako kaugnay sa nasabing isyu.

Ayon pa kay San Fernando, matagal na aniyang nagtitiis ang mga manggagawang Pilipino sa isyu na mas mababa ang sahod ng mga manggagawa sa mga lalawigan kumpara sa Kalakhang Maynila.

BASAHIN  Listahan ng mga mamumuno sa Mababang Kapulungan ng Kongreso

Giit pa ng baguhang kongresista, hindi aniya makatuwiran ang kasalukuyang batas na ipinatutupad dahil halos wala naman umanong pagkakaiba sa presyo ng bilihin sa Metro Manila at mga probinsiya.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Ease of paying taxes bill, aakit ng dayuhang investors

SINABI ni Senador Win Gatchalian na ang pagsasabatas ng panukalang Ease of Paying TaxesAct ay magtutulak ng direct foreign investments (DFIs) at magpapahusay sa...