Korean idol, Park Hyung-sik mahusay mag-Tagalog

Share

ISA sa mga dahilan kung bakit sumikat nang husto sa bansa sina Sandara “Dara” Park at Ryan Bang ay dahil naging mahusay silang magsalita ng Tagalog.

Kung patuloy na mapapahusay ni Park Hyung-sik ang kanyang pananagalog, magiging kasing-sikat din siya ni Dara.

Sa “SIKcret Time in Manila: Park Hyung-sik’s 2024 Asia Tour Fan Meeting” na ginanap sa Smart Araneta Coliseum nitong Peb. 17, mabilis na nabigkas ni Park ang mga salitang “maraming salamat po” “mahal kita,” “nakakaloka,” “ano ba ‘yan?” “keri,” “kaya,” atbp.

Si Park ang bida sa Korean drama series na “Doctor Slump”. Ipinanganak siya noong 1991 sa Yongin, Gyeonggi, South Korea. Miyembro ng board of directors ng BMW Korea ang kanyang ama, samantalang isang piano teacher ang kanyang ina.

BASAHIN  Bato: Exempted sa ROTC ang mga PWDs, may religious at crime conviction

Mabilis na sumikat si Park dahil sa kanyang acting talent sa ilang sikat na TV projects at pag-awit kasama ang K-pop band na ZE:A, na nagsimula noong 2012.

Samantala, sa fan meeting, patuloy na nag-promote si Park ng ongoing series na “Doctor Slump”. Kakaiba ang kwento nito dahil ang istorya ay tungkol sa mga hamon kaugnay ng mental health.

Katambal niya rito si Park Shin-hye. Una silang nagkasama sa TV series na “The Heirs” o “The Inheritors”. Starring dito sina Lee Min-ho, Park Shin-hye, at Kim Woo-bin; ito’y sa panulat ni Kim Eun-sook.

IBA PANG BALITA

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

Totoy huli sa sumpak

"KAHIT sumpak ay nakamamatay din," ito ang natutunan ng isang menor de edad matapos mahulihan ng  improvised firearm o sumpak at isang 12-gauge shotgun...