6 warehouse staff kulong sa QC

Share

Nasakote ng Quezon City Police ang anim na warehouse at delivery staff matapos mabuking sa pagnanakaw sa kanilang pinagtatrabahuang kumpanya sa Quezon City.

Ayon kay PLtCol. Resty Damaso, Station Commander ng Masambong Police Station (PS 2), inaresto ang anim na warehouse at delivery staff ng Optimum Prime Industrial.

Nakilala ang mga suspek na sina Wilfredo Datalio, 42-anyos, residente ng Sta. Maria, Bulacan; Dexter Bation, 29-anyos ng  Heroes Del 96, Caloocan City; Zaldy Pajanusta, 36-anyos ng Brgy. Bungad, Quezon City; Rommel Camprecio, 32-anyos ng Brgy. 176, Caloocan City; Jason Carabaña, 45-anyos ng Brgy. 51, Tondo, Manila; at Jerome Obal, 22-anyos ng Brgy. 28, Caloocan City.

BASAHIN  Shooting incident sa paparetirong empleyado kinondena ng Meralco

Nabatid na ang anim na inaresto ay nagtatrabaho bilang warehousemen, delivery drivers, at delivery helpers sa Optimum Prime Industrial Sales at inaresto noong Biyernes ng umaga matapos  mabuking na nagsasabwatan sa nawawalang 13 kahon ng assorted construction materials na nagkakahalaga ng P65,800.00.

Nabuking sila sa kanilang kilos nang mapansin ng checker at lady guard on duty ang kahina-hinalang kilos ng mga suspek.

Agad na ini-report ng dalawa sa PS2 ang nangyaring insidente at agad na hinuli.

Kinasuhan ang mga suspek ng Qualified Theft sa Quezon City Prosecutor’s Office

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Cybercrime, lumala pa kahit may SIM registration

Lumala nang husto ang cybercrime incidents sa National Capital Region (NCR) nang 152 percent, magmula Enero hanggang Hunyo 2023, pahayag ng Philippine National Police...