Dating mga opisyal hinimok si Mayor Vico na rebyuhin muli ang itatayong bagong city hall campus

Share

HINIMOK ng dalawang dating mga opisyal ng Pasig City si Mayor Vico Sotto na muling rebyuhin ang plano nitong itatayo na bagong city hall campus na nagkakahalaga ng P9.6-B.

Ayon kay Kap JR Samson, dating kapitan ng Brgy. Bambang, mas mabuti aniyang i-retrofit na lamang muna ang kasalukuyang city hall kaysa sa gumastos ng bilyun-bilyong piso para sa bagong gusali.

“Hindi naman kami tutol sa plano ng LGU na magpatayo ng bagong city hall, ngunit dapat pagtuunan muna ng pansin ang mga serbisyong mas kailangan ng mga Pasigueño. Tulad ng pangkalusugan at edukasyon kaysa sa iminungkahing imprastraktura,” ang pahayag ni Samson.

“Ang retrofitting ng lumang city hall ay mas mabuti, dahil hindi na tayo gagastos ng P9.6 bilyon,” dagdag pa ng dating kapitan.

Sang-ayon naman dito si Atty. Ian Sia, dating konsehal ng lungsod.

Ayon kay Sia, dahil sa ginawang ito ng alkalde, aabot di-umano sa P1-B bawat taon ang gagastusin ng lokal na pamahalaan sa renta pa lamang ng mga opisina.

BASAHIN  Sagot ni Mayor Vico kaugnay sa artikulong inilathala ng BRABO News

Napakalaki rin aniya ang gagastusin ng Pasig LGU sa itatayong gusali dahil ito ay nagkakahala ng tumataginting na P9.6-B.

Ikinumpara pa ni Sia ang itatayong bagong city hall complex sa kontrobersyal na senate building na nagkakahalaga ng P8.2-B hanggang sa lomobo ito ng P29-B.

Isa rin ito sa ikinababahala ng dating konsehal. Na baka aabot din sa ganitong halaga ang nasabing city hall campus dahil sa bawat taon ay patuloy na tumataas ang mga halaga ng gagamiting materyales.

“Nakakalula ang 1 bilyong piso na gagastusin sa renta ng city hall sa mga temporary satellites offices, tapos maaring lumagpas pa ang kabuuang halaga nito tulad sa nangyaring P8.2 bilyong senate building ngunit ayon sa huling balita, ito ay nasa P29 biyong piso na,” ang sabi ni Sia.

Matatandaan na ibinida ni Mayor Vico ang pagpapatayo ng bagong city hall campus noong ika-450 ‘Araw ng Pasig’ nitong Hulyo lamang.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

Angel locsin, Missing in action?

MAHIGIT na isang taon nang hindi nakikita ng publiko si Angel. Noong Agosto 13, 2022 pa nang huli siyang makita ng publiko sa kanyang Instagram...