33.4 C
Manila
Thursday, December 5, 2024

Mga senior citizen at trabahador sa 30 barangay ng Pasig, susuyurin ng mga front liner ng St. Gerrard Construction para sa weekly medical mission

SUSUYURIN ng mga front liner ng St. Gerrard Construction ang 30 barangay sa Pasig City para sa gagawin nitong lingguhang medical mission na pangunahing nakatuon sa mga senior citizen at mga trabahador.

Ito ang ipinahayag ni Ginoong Curlee Discaya, ang chief operating officer ng St. Gerrard Construction katuwang ang asawa nitong si Cezarah Discaya, ang chief financial officer.

Ayon kay Ginoong Discaya, matagal na nilang ginagawa ang iba’t ibang uri ng social services bilang bahagi ng kanilang corporate social responsibility (CSR) sa mga mamamayan ng Pasig.

Idinagdag pa niya na karaniwan nang ang mga Pasigueño ang kanilang pinapupunta sa kanilang head office sa Barangay Bambang upang kumuha ng mga ayuda, gamot, wheel chair at iba pang tulong medikal.

Ngunit sa pagkakataong ito, ayon kay Ginoong Discaya, sila na mismo ang pupunta sa bawat barangay upang maliban sa maihatid nila ang mga social services, ay makausap, makadaupang palad at makumusta pa nila ang mga Pasigueño.

BASAHIN  Mananahi, 2 pa huli sa 15 gramo ng shabu sa Marikina

Sinabi naman ni Ginang Discaya na dahil sanay na sila sa regular na CSR kaya madali na lamang sa kanila ang mga paghahanda kasama ng kanilang mga empleyado.

Pero pagdating sa medical mission naninibago sila dahil may mga kailangan pang ihanda ng patiuna tulad ng mga gamot at medical front liners bago ang iba pa tulad ng venue at kagamitan.

Ilan sa binigyan nila ng priyoridad ay mga medical needs ng mga senior citizen tulad ng sa hypertension, diabetes at iba naman ang para sa mga trabahador.

Dagdag pa ni Ginang Discaya na gagawin nila ito tuwing Sabado kasama ng ilan din sa mga volunteer medical front liners at special mention din ang anti-rabies shots para sa mga may alagang hayop na posible aniyang ihihiwalay na schedule.

Para sa iskedyul kung ano ang susunod na barangay sa Pasig ang kanilang pupuntahan para sa nasabing medical mission, i-follow ang FB Page ng St. Gerrard Construction and Development Corporation.

BASAHIN  Mas maraming Academic Centers, target ng Valenzuela City LGU

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA