PABATA NANG PABATA

4,633 bagong kaso ng HIV sa Q1 ng 2026, NCR nangunguna

Share

INANUNSYO ng Department of Health-Epidemiology Bureau (DOH-EB) na 4,633 ang bagong mga kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa mula Enero hanggang Marso 2026 kung saan nangunguna rito ang National Capital Region (NCR).

Batay sa ‘HIV & AIDS Surveillance of the Philippines’ report ng ahensya, 95% o 4,381 ay kinabibilangan ng mga lalaki samantalang 5% o 252 ang mga babae.

Sinabi pa sa report na karamihan sa mga ito ay nasa edad 25 hanggang 34 na bumubuo sa 46%, kasunod ang mga nasa edad 15 hanggang 24 na nasa 31% samantalang 18% ang nasa edad 35 hanggang 49 at yaong nasa edad 50 pataas ang bumubuo sa 3%.

Sinabi ng DOH na 51 katao ang aberids bawat araw ang nahawaan ng HIV sa unang tatlong buwan ng taon.

Ayon sa ahensya, nakakabahala na 1,104 o 24% sa mga bago lang nakumpirma na mga kaso ang nasa advanced stage na ng HIV nang sila ay ma-diagnose.

Ipinapakita ng datos na ang NCR ay nakapagtala ng pinakamataas na bagong kumpirma ng nahawaan kung saan 989 o 21% ito ng kabuuang bilang.

BASAHIN  Angara sa mga kontra CSE: Bukas ang DepEd sa inyong mga mungkahi

Sinundan ito ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) o Region 4A, na may 808 kaso o 17%, Central Luzon (Region 3) na may 551 kaso o 12%, Soccsksargen (South Cotabato, Cotabato City, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City o Region 12, na may 277 kaso o 6%, at Davao Region (Region 11) na may 263 kaso o 6%.

Giit ng DOH, mula 1984 kung saan unang naitala ang kaso ng HIV sa bansa, may kabuuan ng 168,079 ang kumpirmadong mga kaso o cumulative cases.

Sa nasabing mga kaso, 158,670 o 94% ang mga lalaki samantalang 9,399 o 6% ang mga naapektuhang babae.

Kasabay nito, naobserbahan ng ahensya na pabata nang pabata sa nakalipas na taon ang naitalang mga kaso ng HIV sa bansa.

Samantala sa kasalukuyan, 108,367 people living with HIV (PLHIV) ang nasa pangangalaga ng pamahalaan sa ilalim ng free antiretroviral therapy (ART) program.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Ex-VP Noli, pa-epal nga ba?

kamakailan. After the news, nag-side comment siya sa July 28 wedding nina MaineMendoza at Arjo Atayde. Bakit pa raw nagpakasal eh kasagsagan ng bagyong...