Preparasyon sa Wattah Wattah Festival ng San Juan inilatag ni Zamora

Share

INILATAG n ani San Juan City Mayor Francis Zamora ang mga paghahanda ng pamahalaang lungsod sa nalalapit na Wattah Wattah Festival batay sa isinagawang press conference kaninang umaga.

Ayon kay Zamora, tinukoy na nila ang mga “Basaan zones” at plantsado na rin ang pagtatalaga ng 400 tauhan ng San Juan City Police Station sa araw ng kapistahan sa Hunyo 24.

Sinabi pa ng alkalde na tulad noong nakaraang taon, target din ng lokal na pamahalaan na mapanatili ang “zero violators” dahil binigyang-diin nila ang mahigpit na pagpapatupad ng liquor ban.

“Gagawin namin ang lahat upang maging mapayapa at masaya ang Wattah Wattah Festival tulad noong nakaraang taon. Hindi tulad noong 2024 kung saan nakilala ang San Juan sa isang viral video kaugnay sa tradisyunal na basaan,” ang pahayag ni Zamora.

BASAHIN  Single Ticketing System sinimulan na sa San Juan

Matatandaan na naging kontrobersyal ang nasabing kapiyestahan nang marami ang nagreklamo kaugnay sa walang pakundangang pambabasa sa mga dumadaan, alinman patungo sa trabaho o eskuwelahan.

Dahil dito, napuno ang social media ng negatibong mga komento na sa panahon ngayon ay nakaka-perhuwesyo na ang tradisyunal na basaan at nakakaabala na sa marami maliban pa sa nasisirang mga gadget kapag nabuhusan ng tubig at minsan ay nauuwi pa sa gulo.

Inanunsyo ni Zamora na magsisilbing “basaan zone” ang kahabaan ng Pinaglabanan Road sa pagitan ng N. Domingo Street at P. Guevarra Street, mula alas-7 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.

Ipapatupad din ang liquor ban alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-2 ng hapon sa mismong araw ng kapistahan.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Kapit sa patalim: 71% ng manggagawang Pilipino

KAPIT sa patalim! Ito ang kadalasang nararanasan ng 71 porsyento ng mga manggagawang Pilipino kapag nagigipit,dahil wala silang naipon. Ayon sa datus ng Cebuana Lhuillier (CL)...