Babae patay matapos saksakin ng asawang hostage taker

Share

PATAY ang isang ginang at sugatan naman ang isa sa dalawang anak nito sa nangyaring di-umano’y pangho-hostage ng asawang lalaki alas-11:30 ng umaga sa Sta. Isabel Subdivision, Havila, Brgy. Mahabang Parang, Angono, Rizal, Abril 4, 2026.

Ayon sa inisyal na impormasyon ng mga otoridad, patay na ang biktimang babae nang matagpuan ng mga pulis sa kanilang bahay kaninang umaga.

Kinilala ni PCol. Eleazar Barber, provincial director ng Rizal Provincial Police Office (Rizal PPO), ang biktima na si Ma. Lourdes Santos, anak nitong sugatan na si alyas Dwyane, 15 at kapatid nitong si alyas Kyle, 12, walang pinsala.

Batay sa report, sinaksak umano sila ng suspek na si Jeremy Santos na ama at asawa ng mga biktima sa hindi pa malamang dahilan.

BASAHIN  10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

May alegasyon na ginilitan sa leeg ang asawang biktima at nagsaksak din sa sarili ang suspek na parehong hindi pa kinukumpirma ng mga otoridad.

Nang pumasok sa loob ng bahay ang mga pulis, natagpuan din nila ang asawang lalaki na nakahandusay sa banyo na naghihingalo at kaagad na isinugod sa ospital.

Pinaniniwalaang problema sa pinansiyal ang ugat ng nasabing insidente, batay na rin sa pakikipag-usap ng mga otoridad sa mga kamag-anak ng suspek at mga biktima.

Sasampahan ng mga kasong parricide, frustrated parricide at attempted parricide ang suspek na inihahanda na para ihain sa Rizal Provincial Prosecutor’s Office.

Ihahatid namin sa inyo ang karagdagang impormasyon sa nasabing insidente. (Knots Alforte via Manila East TV-FB)

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

DepEd, DBM hinimok na ibigay na ang overdue bonus, insentibo ng mga empleyado

NANAWAGAN kamakailan ang mga non-teaching personnel ng Department of Education (DepEd) sa ahensya gayundin sa Department of Budget and Management (DBM) na ibigay na...