National Federation of UV Express Rizal Chapter, nakiisa sa panawagan ng ibasura ang Oil Deregulation Law

Share

NANAWAGAN ang mga UV Express driver kay President Ferdinand Marcos Jr. na gamitin ang ibinigay sa kanya na Emergency Power para buwagin na ang Oil Deregulation Law.

Ito ang naging sentimyento ng mga hindi na makatiis na mga driver sa ibat-ibang bahagi nang bansa na kasapi ng National Federation of UV Express dahil sa nararanasang hirap bunsod nang napakataas na presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Sa lalawigan ng Rizal, pansamantalang tumigil din sa pamamasada ang mahigit sa 200 driver ng UV Express na bumibiyahe ng Cardona, Binangonan Crossing at nagtungo sa lansangan upang ilabas na ang kanilang mga hinaing sa pamahalaan.

Sila ay nagtipon sa bahagi ng Binangonan, Angono, Taytay Kaytikling at Junction.

Paglilinaw ni Perlito Gonzales, Presidente ng National Federation of UV Express Rizal Chapter, kusang loob na tumigil sa pamamasada ang kanilang mga miyembro, hindi upang magprotesta kundi talagang nahihirapan na sila,.

Pinapakita lamang nila umano na talagang hindi na nila kayang bumiyahe, walang panghaharang, nais lamang nila na makita ng kanilang mga kasamahan at ng gobyerno na talagang hindi na nila kayang bumiyahe.

Sa isang balikan lamang nila umano mula sa Binangonan, hanggang Crossing ay kumukonsumo na sila ng P1,400 na Diesel at gasolinahan na lamang ang kanilang binubuhay.

BASAHIN  Komosyon sa pagitan ng mga negosyante at may-ari ng lupa muling sumiklab

Pagdating sa ayuda ng gobyerno, malaking bagay umano sa kanila yun, pero kahit isang driver umano sa Rizal ay wala pang nakakatanggap.

Kung tutuusin umano ay hindi nila kailangan ang subsidiya dahil kaya naman nilang maghanapbuhay, ang kailangan lamang nila umano ay, sana baguhin ang Oil Deregulation Law dahil ang nasusunod ay malalaking company na Big 3 lamang, kung gobyerno umano ang magpapatakbo malaking tulong para sa mga driver.

Idinagdag pa ni Gonzales na kaya nilang maghanapbuhay para sa kanilang mga pamilya, hindi umano sila mga imbalido para umasa sa gobyerno, dahil kailangan din na may paglaanan ng buwis para sa mas nangangailangan, kaya naman umano nilang magserbisyo sa mga mananakay kung nasa tama ang presyo ng petrolyo.

Nanawagan din ito kay PBBM na gamitin na ang Emergency Power para alisin ang Oil Deregulation Law para matulungan ang sektor na siyang unang tinatamaan.

Hindi rin umano solusyon ang pagbibigay ng subsidiya dahil 2 araw lang ay wala na o ubos na, sa haba umano ng ruta nila ay kulang pa ang 5 libo sa isang Araw. (FELIX TAMBONGCO)

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

61 OFWs nakauwi na mula Lebanon

UMABOT na sa 61 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Lebanon ang nakauwi na sabansa, sa ilalim ng repatriation efforts ng Marcos administration, ayon...