Apela ng mga GOCC, GFI workers group kay PBBM: Benepisyo ibalik

Share

ISINIGAW ng sabay-sabay ng mga presidente na kumakatawan sa mga empleyado ng iba’t ibang Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) at Government Financial Institutions (GFIs) na ipatupad na muli ang nakapaloob sa Compensation and Position Classification System o CPCS-2.

Isinasaad ng nasabing sistema ang mga benepisyo na kung saan pangunahing makikinabang ang mga miyembro ng kanilang pamilya tulad din ng mga manggagawa sa pribadong sektor.

Ang National Union of Bank Employees Insurance and Finance Organizations (NUBE), Land Bank of the Philippines Employees Association (LBPEA), PhilHealth Independent Employees Association (PICEA), Philippine Deposit Insurance Corporation Employees Organization (PHILDICEO), Pag-IBIG Fund Employees Labor Association (PAFELA) at Association of Concerned SSS Employees (ACCESS-SSS) ay nakikiusap kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatupad na ang CPCS-2.

Ayon kay Nanette Jariño Lati, pangulo ng LBPEA, marinig sana ni Pangulong Marcos ang kanilang panawagan na muling ibalik ang mga benepisyo na sandali lang nila tinamasa at ipinagtataka nila na inalis ito na wala man lang silang alam na dahilan kung bakit.

“Simula pa noong pandemya, marami sa aming mga kasama ang pumanaw na habang patuloy na naglilingkod sa publiko. Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin ibinabalik ang CPCS-2,” ang pahayag ni Lati sa media sa The Agenda media forum na ginanap sa Club Filipino sa San Juan City nitong Biyernes, Agosto 1, 2025.

BASAHIN  Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int'l partners

Sinabi pa ni Lati na wala rin aniyang magagawa ang mga Board of Directors ng pitong pangunahing GFIs na ipaglaban ang kapakanan ng mga mangagawa dahil may mga limitasyong ipinataw ang Corporate Governance Council (CGC) na siyang policy-making body.

Ilan sa mga benepisyong ito ay ang kanilang rice allowance, provident fund, HMO at iba pang mga benepisyo na inalis nang hindi man lang sila kinokunsulta sa kabila ng mga inputs mula pa CPCS-1 hanggang CPCS-2.

Sinabi naman ni Atty. Susan Iduyan, presidente ng PICEA, na obligado aniya ang pamahalaan na magsagawa ng review kada tatlong taon, ngunit mula pa noong Oktubre 2024 wala pa rin umanong inilalabas na resulta ang CGC.

“Kami ay handang magsampa ng petition for mandamus upang obligahin ang CGC na tuparin ang kanilang tungkulin batay sa isinasaad ng Executive Order No. 150,” ani Iduyan.

“Si Pangulong Marcos ay nakikinig naman. Umaasa kami na madinig niya rin ang aming panawagan para sa maayos na benepisyo ng mga GFI workers,” pagtatapos ni Lati.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

Pamaskong resupply mission, hindi hinarang ng China

Nagdeliver ng Pamasko sa ating mga tropa, mangingisda, at komunidad sa West Philippine Sea (WPS) ang dalawang barko ng Philippine Navy at isang eroplano...