Alternative treatment sa cancer—Robin

Share

“BUKSAN ang kaisipan at maghanap ng alternatibong paggamot sa cancer.”

Ito ang panawagan ni Sen. Robinhood “Robin” Padilla nitong Huwebes sa mga duktor, alang-alang sa mahihirap na cancer patients na hindi makayanan ang malaking gastos sa paggamot.

“Sana po magkaroon tayo ng mga alternative na paggamot sa treatment sa mga cancer patients, pain management, dahil sa ngayon talaga, hirap na hirap po ang ating mga kababayan pagdating sa medical treatment,” pahayag ni Padilla sa Philippine College of Radiology Convention sa Pasay City, kamakailan.

Isinusulong ni Padilla ang legalisasyon ng “compassionate use” ng medical cannabis (marijuana), kabilang ang para sa pain management.

BASAHIN  Gapangan para hindi pumirma sa flood control report ibinulgar ni Lacson

Ayon kay Padilla, panahon na para “buksan ang ating kaisipan, kung ano ang ginagawa ng mga First World countries pagdating sa cancer treatment at pain management pati na sa iba pang klaseng sakit.”

Iginiit ni Padilla na napakalaking suliranin ang cancer lalo na’t dumadami ang mga cancer patient sa Pilipinas at sa buong mundo.

“Kawawa ang mga mahihirap na kababayan natin na walang kakayahan na magkaroon ng kung anong napapala ng may pera,” aniya pa.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Tulak huli sa P379-K kush sa Marikina

Kulungan ang bagsak ng isang 37-anyos na lalaki nang mahulihan  ng high grabe marijuana na aabot sa P379,200.00 matapos ang ikinasang buy bust operation,...