Dapat kumilos ang US, mga kaalyado vs China bullying

Share

IGINIIT ni US Senator Rick Scott ng Florida ang kahalagahan nang pagkakaisa ng
Washington – pati na mga kaibigan at kaalyado nito – na sama-samang kumilos para mapigilan
ang pambu-bully ng China sa South China Sea.


Nakipagpulong sa Maynila kamakailan ang senador kina Defense Sec. Gilberto Teodoro,
National Security Adviser Eduardo Año, DFA Office of American Affairs Asst. Sec. Jose Victor
Chan-Gonzaga, Senate Pres. Juan Miguel Zubiri at ang American Chamber of Commerce of
the Philippines.


Pinag-usapan sa pagpupulong ang patuloly na pagpasok sa teritoryo ng Pilipinas ng China
Coast Guard at patuloy na pambu-bully nito sa ating mga mangingisda at barko.

BASAHIN  Pananagutin, mga amo ng kasambahay na si Elvie Vergara –Jinggoy


“It’s important that South Korea, Taiwan, Japan, the Philippines, Australia and the European
Union – we all recognize the risk if communist China gets its way,” ayon pa kay Scott.
Sinabi rin niya na ang paggamit ng China-made equipment gaya ng drone ay
nagsasapanganib sa seguridad ng bansa.


Pinuna rin sa pagpupulong ang panganib sa planong China-Philippines joint military
exercises.


Samantala, sinabi kamakailan ni Zubiri na dapat nang tanggalin kaagad ang Chinese telco
towers sa lahat ng military camps sa bansa dahil banta raw ito sa ating seguridad.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

CIA, may kinalaman sa plane crash

Ang CIA (Central Intelligence Agency) nga ba ang may pakana kaya nag-crash ang eroplano ni Magsaysay? Noong 16 Marso 1957, ala-una ng madaling-araw, sumakay si...