Bagong tapunan ng basura ng Maynila may basbas ng MMDA, San Mateo LGU umalma

Share

UMALMA ang lokal na pamahalaan ng San Mateo, Rizal sa naging pahayag kamakailan ni Manila Mayor Isko Moreno na may basbas na umano mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang pagtapon ng basura sa nasabing bayan.

Ayon kay San Mateo Mayor Bartolome “Omie” Rivera Jr., ang paglipat ng tambakan ng basura ng lungsod ng Maynila sa New San Mateo Sanitary Landfill (NSMSLF) simula Agosto 27, 2025 ay walang anumang paunang abiso o konsultasyon man lamang sa kaniyang opisina.

“Sa ating pagkakaintindi, ang landfill sa ating bayan ay naitayo noon bilang isang alternatibong tambakan [lamang] ng basura sakaling mahinto [a]ng operasyon ng landfill sa [ating katabing bayan ng] Montalban,” ang pahayag ni Rivera.

Sinabi pa ng punong bayan na ang NSMSLF ay hindi nakadisenyo para tanggapin ang malalaking volume ng basura mula sa malalaking mga lungsod ng Metro Manila.

“Nangangamba tayo na dagliang mapupuno ang kapasidad ng [ating] landfill, lalong bibigat ang daloy ng trapiko at tataas ang banta sa kalusugan at kaligtasan ng ating mga mamamayan,” ayon pa sa alkalde.

Idinagdag pa ni Rivera na bagama’t kinikilala niya ang awtoridad ng MMDA kaugnay sa pangkalahatang koordinasyon ng solid waste management ng Kalakhang Maynila, naniniwala aniya siya na ang nasabing direktiba ng ahensiya ay [dapat na] nakahanay alinsunod sa Konstitusyon.

BASAHIN  NCMF may 2 bagong komisyoner na Maguindanaon

Giit pa ng punong bayan, dapat din aniyang isaalang-alang ang umiiral na mga batas ukol sa kapaligiran maliban pa sa RA 7160 o Local Government Code at gayundin ng paunang konsultasyon at pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan na magiging apektado.

“Nauunawaan natin ang mga naging [negatibong] reaksyon ng ating mga kababayan matapos mabasa ang balitang ito. Nalulungkot din tayo sapagkat hindi tayo naging bahagi ng pagpaplano sa pagsasakatuparan ng kautusang ito,” saad pa ng alkade.

Dagdag pa ni Rivera, “kaya hihingin natin sa MMDA na muling bigyang konsiderasyon ang kanilang desisyon ukol sa pagtambak sa ating bayan at magkaroon ng pormal na pag-uusap at koordinasyon.”

Sakaling matuloy ito, papat ding pag-usapan, ayon pa sa punong bayan, ang magiging patakaran may kinalaman sa pamamahala sa trapiko, pagmamantini ng tambakan, at pangangalaga sa kalusugan at kalinisan upang hindi ito magdulot ng perwisyo sa darating na panahon.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

DepEd union leader sa mga SDS: ‘Ratipikasyon ng CNA ‘wag harangin’

NAKIKIUSAP si Atty. Domingo Alidon, presidente ng Department of Education-National Employees’ Union (DepEd-NEU) sa mga opisyal ng kagawaran partikular na ang mga Schools Division...