Classroom-Building Acceleration Program Act ni Sen. Bam Aquino suportado ni Mayor Morpe ng Rosario, Batangas

Share

SUPORTADO ni Mayor Leovi Morpe ng Rosario sa lalawigan ng Batangas ang panukalang batas ni Sen. Bam Aquino na tinatawag na Classroom-Building Acceleration Program Act.

Layon ng Senate Bill No. 121 na pabilisin ang pagpapatayo ng mga silid-aralan sa mga pampublikong paaralan upang mabawasan na ang backlog o kakulangan ng mga classroom sa buong bansa.

Ayon kay Aquino, iba-bypass na ng panukalang batas na ito ang Department of Public Works and Highways (DPWH) pagdating sa pondo, sa halip ang pera ay idi-deretso na sa mga local government unit (LGU).

Ngunit idinagdag pa ng senador na para maiwasan ang anumang anomalya, magiging katuwang ng LGU ang mga non-governmental unit (NGO) na may tract record na sa paggawa ng mga school building.

Kaya naman, sumang-ayon agad sa Senate Bill na ito si Mayor Leovi Morpe ng bayan ng Rosario na umaasang mapapabilis ang pagpapatayo ng mga classroom at sa mas murang halaga na magiging malaking tulong aniya sa kanilang educational program.

Ayon kay Morpe na nakilala sa kaniyang programang “Serbis Pa More,” magiging katuwang niya si Vice Mayor Atanacio “Tani” Zara para isulong ang programang pang-edukasyon sa kanilang bayan para sa kapakanan ng kanilang mga kabataan.

BASAHIN  VP Sara dinalaw ang 7 eskuwelahan sa Masbate

Si Morpe, na kilala rin sa kaniyang slogan na “Magpursige upang bayan ay umige,” ay nagsabi na mas pinapalakas pa nila ang scholarship program lalo na sa mga kabataang nagnanais mag-kolehiyo upang mai-angat pa ang antas ng edukasyon sa bayan ng Rosario.

“Handa tayong mag-alalay sa mga estudyante na gustong mabago ang kanilang buhay, makatapos sa pag-aaral, makapaghanap ng magandang trabaho at maka-ahon sa hirap ng buhay,” ang sabi ng alkalde.

Bago maging negosyante at nang maglaon ay maging lingkod bayan, alam ng mga tag-Rosario ang talambuhay ng alcalde kung saan bilang anak ng magsasaka ay nagpursige ito sa pag-aaral hanggang sa makapagtapos.

“Pangarap din natin na dahil sa Classroom-Building Acceleration Program Act ni Senator Bam, darating ang panahon na magiging isang realidad na ang pagkakaroon ng karagdagang mga eskuwelahan at kolehiyo bayan ng Rosario para sa susunod na maging lider ng ating bayan. (MAR OLETE)

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

Bilang ng mga may Covid-19, bumaba

BUMABA ang bilang ng mga bagong kaso ng Covid-19 sa 4,281 katao, magmula Hunyo 12-18, ayon sa Department of Health (DoH) noong Lunes. Batay sa...