Scholarship na kukunin sa real property tax ng LGU isinusulong sa Kamara

Share

ISINUSULONG ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpapalawak ng programang “Iskolar ng Bayan” upang maibsan ang gastusin ng mga senior citizen na sumusuporta sa edukasyon ng kanilang mga apo.

Sa isang press conference kaninang umaga sa Pasig City, sinabi ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes na ang budget na 30% ay kukunin mula sa 1% ng real property tax ng bawat local government unit na nagsisilbing Special Education Fund (SEF).

Layon din ng panukala na libu-libong mga estudyante ang makapagtapos sa programang ito bilang bahagi na rin ng pagsisikap ng pamahalaan na matugunan ang problema sa kakayahang magsulat at bumasa ng mga bata.

“Bubuo tayo ng local selection committee kung saan magiging mga miyembro rito ay magmumula sa religious sector, DepEd at civil society upang aprubahan kung sinu-sino ang karapat-dapat na makinabang sa programa gamit ang gagawing IRR o implementing rules and regulations,” ang pahayag ni Ordanes.

BASAHIN  Gastusin sa pagpapatayo ng petroleum storage facility mula sa kita ng Malampaya, OK kay Libanan

Matatandaan na naisabatas noong 18th Congress ang social pension ng mga senior citizen kung saan inilaban ni Ordanes na maiakyat mula P500, naging P1,000 na ito bawat buwan.

Noong nakalipas na 19th Congress, sinabi ni Ordanes na nakapasa na ang Centenarian Act kung saan ang mga senior citizen na indigent, mahina na, at sakitin edad 80, 85, 90 at 95 ay may matatanggap na P10,000 at ipapatupad na ngayon taon.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

DTI, patuloy na babantayan ang presyo ng school supplies

NAGKAROON nang pinaigting na pagbabantay-presyo ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pangunguna ni Sec. Fred Pascual sa Divisoria, Maynila, noong Agosto 17. Matapos...