Pulis hinuli ng kabarong MPD sa kasong homicide

Share

Inaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang miyembro ng Manila Police District (MPD) sa bisa ng warrant of arrest,  kamakalawa sa Tondo, Manila City.

Ayon kay P/Brig. Gen. Warren De Leon,  Director ng PNP-IMEG, inaresto si PCpl Mark Manuel Co, 40-anyos, active member ng MPD na nakatalaga sa Pritil Police Station 1 (PCP-1) sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Manila Regional Trial Court, Branch 29 sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at physical Injuries.

Si Co ay hinatulan ng limang taong pagkakabilanggo dahil sa kaso at pansamantalang nakakulong sa  IMEG Headquarters Custodial Facility para sa documentation.

BASAHIN  Notoryus na carnapper sa Rizal, timbog

Sinabi pa ni  P/Brig. Gen. De Leon,  na hindi nila ito-tolerate ang kamalian ng mga tauhan ng PNP at mga iilang tiwaling pulis na may atraso sa batas dahil handa ang PNP-IMEG na ipatupad ang mandatong habulin at panagutin ang mga pagkakamali sa batas.

IBA PANG BALITA

Nursing student arestado sa robbery extortion

ARESTADO ang isang nursing student sa isinagawang entrapment operation ng Pasig City Police Station sa kasong robbery extortion, madaling araw ng Mayo 23, 2026...

4,633 bagong kaso ng HIV sa Q1 ng 2026, NCR nangunguna

INANUNSYO ng Department of Health-Epidemiology Bureau (DOH-EB) na 4,633 ang bagong mga kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa mula Enero hanggang Marso 2026...

‘All aBOARD Expo 2026,’ kasado na sa QC

KASADO na ang pangunahing family-oriented na tabletop gaming event sa Pilipinas, ang ‘All aBOARD Expo ’26 na gaganapin sa Quezon City mula Mayo 28...

Suspek sa rape-slay sa lola sa Rizal, tiklo

ARESTADO ang isang lalaki sa loob lamang ng 36-oras matapos ang agarang follow-up investigation at hot pursuit operation hinggil sa panghahalay at pagpatay sa...

Halos 24,000 guro sumalang sa assessment test para maging school principal

UPANG higit pang itaas ang antas at kalidad ng basic education, umabot sa 23,994 mga guro ang kumuha ng pagsusulit para maging schoo, principal. Layon...

Mga terorista, pinunit ang ating bandila?

“TERORISTA!” ito ang naisip ng ilan sa ating mga kababayan na nakasaksi sa pagpunitsa bandila ng Pilipinas ng ilang Pakistani at Romanian nationals, kamakailan. Nadismaya...