Serbisyong hatid ng PCUP, iba pang ahensya patok sa mga maralitang taga-Caloocan

Share

SA layuning paunlarin ang buhay ng mga komunidad ng maralitang taga-lungsod partikular na sa Barangay 157, Caloocan City, nagsagawa ng Mini Caravan ang Presidential Commission for the Urban Poor—Field Operations Division National Capital Region (PCUP-FODNCR) noong Pebrero 14.

Kasama ang Caloocan LGU, patok ang libreng gupit at masahe, sesyon ng pagsasanay sa kabuhayan, kabilang ang paggawa ng tocino at produksyon ng liquid hand soap, na ibinigay ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Pagsusuri naman sa mata at ngipin, libreng konsultasyon at gamot ang pinamahalaan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Management entrepreneurship training naman ang ibinigay ng Department of Labor and Employment (DOLE), na nagbibigay ng kaalaman at kasanayan sa mga indibidwal upang simulan at pamahalaan ang kanilang mga negosyo

Sa pakikipagtulungan sa mga nasabing ahensya, nailapit ng PCUP Mini Caravan ang mga mahahalagang serbisyo sa mga taong nangangailangan nito.

Binigyang diin ni PCUP Supervising Commissioner para sa NCR, Hon. Reynaldo P. Galupo, ang pangako sa pagpapabuti ng paghahatid ng serbisyo at patuloy na pakikipagtulungan sa mga katuwang na ahensya upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga maralitang tagalungsod.

Sa kabilang banda, ipinaabot ni Kapitan Danilo Singh ang kanyang pasasalamat sa PCUP at lahat ng mga kalahok na ahensya para sa kanilang sama-samang pagsisikap sa pagdadala ng mahahalagang serbisyo para sa kanyang nasasakupang barangay.

BASAHIN  2024: Dagdag-sahod sa kasambahay

Ang kabuuan ng PCUP ay nasa ilalim ng pamamahala ni Chairperson at Chief Executive Officer, Undersecretary Elpidio R. Jordan, Jr. na may mandato na magsilbi bilang direktang ugnay ng maralitang tagalungsod sa gobyerno sa ilalim ng Executive Order No. 82.

IBA PANG BALITA

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

Carpio kumasa sa hamon na debate; ngunit hindi dapat limitahan ang paksa, ayon kay Marcoleta

MATAPOS tanggapin ng retiradong senior associate justice ng Korte Suprema na si Antonio Carpio ang hamon na debate, sinabi ni Senador Rodante Marcoleta na...