Magnanakaw ng motor sa QC, sa Pasig nahuli

Share

NAHULI ang isang carnapper at itinuturing na most wanted person (MWP) ng Pasig PNP matapos isagawa ang isang manhunt operation nitong Hulyo 6, 2025, bandang ala-1:15 ng hapon sa kahabaan ng Westbank Road Floodway, Brgy. Maybunga, Pasig City.

Ayon sa ulat na natanggap ni PCol. Hendrix Mangaldan, chief of police ng Pasig City, kinilala ang suspek na si alyas “Bryle,” 35, at residente ng nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon, ninakaw ni alyas “Bryle” ang motorsiklo ng hindi pinangalanang biktima noong Pebrero 2, 2025 sa Quezon City.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 217 ng Quezon City na may Criminal Case No. R-QZN-25-04849-CR, na may petsang Hunyo 5, 2025 kaugnay sa paglabag sa R.A. No. 10883 o New Anti-Carnapping Law na may piyansang P300,000.00.

BASAHIN  Top 6 wanted ng Las Piñas nalambat sa tip ng 'Marites'

Bago nito, naaresto na rin ang suspek noong Pebrero 10, 2024 sa kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasalukuyang nakakulong sa custodial facility ng Pasig PNP si alyas “Bryle” habang inihahanda ang mga dokumento para iharap ng mga operatiba sa korte na nag-isyu ng warrant of arrest.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Mapanlinlang na social media selling, imbistigahan – Estrada

SINABI ni Sen. Jinggoy Estrada kahapon na dapat imbestigahan ng Senado angnakababahalang pagdami ng peke at mapanlinlang na online endorsements ngilang celebrities, sa harap...