Former ‘90s noontime show backup dancer na naging palaboy sa Cainta, dinakip, pinagamot, at ngayon ay naka-rekober na

Advertisement

IBINALITA ni Cainta Mayor Kit Nieto na isa nang ‘bagong nilalang’ ang babaeng wala sa katinuan noon na palaging naka-istambay sa Junction at Parola areas at nambabato ng mga dumadaan.

Ayon sa alkalde, bumisita ito sa kaniyang opisina kasama ng Ate nito at ibinalita na declared na nasa maayos nang kalagayan sa pag-iisip.

“Naalala niyo yung babaeng nakatambay sa [J]unction at sa [P]arola? [T]as nambabato ng mga dumadaan? Kahapon, bumisita siya sa akin kasama ang [A]te niya. [M]ay baong balita. [D]eklarado na siyang maayos. [N]akalabas na siya sa psych facility,” ang pahayag ni Nieto sa social media post nito.

Matatandaan na Nobyembre noong nakaraang taon, ilang mga kalalakihan ang ipinadakip ng alkalde dahil sa pagnanakaw sa kasagsagan ng bagyo at idiniretso ang mga ito sa kulungan ngunit si “Rosalie” ay ipina-confine sa isang psychiatric facility nang malamang may problema pala ito sa pag-iisip.

“Sabi ko sa inyo, tapusin ko lang bagyo, tutugusin ko kayo. Tas ngayon, hihingi kayo ng tawad na parang wala lang. Tatlo na ang nasa loob. May tatlo pa [a]kong pinapahanap. Pera ang hanap niyo. Nilaglag din kayo dahil sa pera,” ang pahayag ni Nieto matapos mahuli ang tatlong magnanakaw.

“November last year, pinasundo ko siya para dal[h]in sa shelter natin. [D]un ko nalaman, may problema na pala siya sa pag iisip,” ang sabi ni Nieto tungkol sa kaso ni “Rosalie,” dagdag pa ng alkalde.

Sinabi pa ng punong bayan na tinawagan agad nito ang isa sa mga doktor ng munisipyo at iniutos na dalhin si “Rosalie” sa isang private facility at maipagamot.

BASAHIN  Libreng hapunan sa Cainta araw-araw muling inilunsad
Advertisement

“Tinawagan ko si Doc Charrie [at sinabi kong] paki-handle at kung kelangang pa confine, gastusan natin. Na-confirm ni Doc [na may problema nga sa pag-iisip kaya] [i]pinadala ko siya sa isang private facility sa Taytay para magpagamot [at] sagot ng gobyerno,” ayon pa sa post ni Nieto.

Nalaman pa ni Mayor Kit na isang college graduate pala si Rosallie at taong 1994, nagtrabaho ito sa isang TV noon time show na hindi na binanggit kung anong palabas ito.

Batay sa mga sinabi ng Ate, yong huling live-in partner umano ng kaniyang kapatid ay nasangkot sa illegal drugs at maraming kalbaryo ang pinagdaanan hanggang sa magpalaboy-laboy siya sa lansangan ng Cainta.

“Gusto niya sanang humingi ng puhunan para magsimula ng isang tindahan. ‘Di ko muna pinagbigyan,” ayon pa sa alkalde. “Magtrabaho ka muna sa akin, assist mo ang mga tao sa shelter [na] unang dinalhan ko sa ‘yo. Bibigyan kita ng buwanang sweldo, after six months, dalawin mo [a]ko uli, usap uli tayo.”

Idinagdag pa ng alkalde na iniabot sa kaniya ni Rosalie ang dalawang litrato nito matapos itong pumayag sa sinabi ng alkalde at magpasalamat.

“Tinitigan ko lang n[an]g matagal. [T]saka ako bumaling sa kanya. Hindi na mahalaga ‘to. Y[o]ng pangatlong litrato mo ang aantayin ko,” pagtatapos ni Nieto.

Advertisement

LATEST STORIES

Grid operator places Visayas, Mindanao under power alerts as plant outages mount

THE National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) placed the Visayas and Mindanao grids under red and yellow alerts on Friday as widespread power...

Meralco cuts electricity rates for second straight month in September

CUSTOMERS of the Manila Electric Company (Meralco) will see a second consecutive month of rate relief, with the utility announcing a reduction of ₱0.0409...

Human chain delivers lifeline water across damaged Zambales crossing

DISRUPTED infrastructure and damaged water sources failed to stop relief operations in Barangay Sta. Fe, San Marcelino town as humanitarian workers and local residents...

Mayor Robredo rallies 11,000-strong security force for Peñafrancia festivities

AROUND 11,000 security personnel, government responders, and volunteer groups assembled at the Minor Basilica and National Shrine of Our Lady of Peñafrancia on Thursday,...

MMDA converts former Carmona landfill into green space and disaster training hub

IN a major push toward urban resilience and environmental sustainability, the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) has officially transformed a former sanitary landfill into...

20 sugarol nalambat sa QC

PATULOY ang kampanya ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagsugpo ng illegal na sugal na kung saan nasa 20 sugarol ang nalambat sa...