Komosyon sa pagitan ng mga negosyante at may-ari ng lupa muling sumiklab

Share

MULING uminit at sumiklab ang iringan sa pagitan ng mga empleyado ng mga business establishment at mga tauhan ng nagpakilalang may-ari ng lupa sa loob ng Hillsdale Summit Subdivision sa Barangay San Isidro sa bayan ng Angono nitong Sabado ng gabi, Octubre 18, 2025.

Bago nito, noong umaga ng Oktubre 13, 2025 inihain ni Ronaldo Olorcisimo, Sheriff IV ng Fourth Judicial Region ng Regional Trial court Binangonan ang Writ of Execution na may petsang Hulyo 12, 2022 na inisyu ni Hon. Katherine Jambaro-Altubar, Presiding Judge ng Municipal Trial Court, Angono upang ipatupad ang pabor na desisyon ng korte sa kasong isinampa ng Park Developers, Inc. na kinakatawan ni Reynaldo Jesus Pasco Sr. laban sa isang grupo na nag-aangkin din sa lupa na kinakatawan ni Romy Calinisan kung saan kaagad na nagsagawa ng barikada ang nasabing kumpanya.

Ala-1 ng hapon, sumiklab ang komosyon dahil ayaw nang padaanin ng mga guwardiya at ilang nakamaskara na kalalakihan mula din umano sa Park Developers, Inc. sa gate ng subdivision ang lahat ng tenants, business owners, mga empleyado at pati mga kustomer papasok sa bahagi ng subdivision na kinaroroonan ng business area at naging viral ito sa social media.

Sa ulat na ipinadala ni PLt.Col. Ariel Azurin, chief of police ng Angono Municipal Police Station kay Mayor Gerry Calderon ng bayan ng Angono na may petsang Oktubre 15, 2025, kinumpirma nito na walang nasaktan sa nasabing insidente hapon noong Oktubre 13, 2025.

Dahil dito, umalma sa nasabing barikada ang may-ari ng Tagpuan Lakeview Coffee at 14 iba pang mga establisyimento dahil hindi anila sakop ng nasabing Writ of Execution ang lugar na kinatitirikan ng kanilang restoran.

Humingi sila ng paglilinaw at pinatutuhanan naman ito ng sheriff sa inilabas na dokumento noong Oktubre 13 mismo, na binasa ng isang empleyado sa harap ng media na pagsasabing: “Both agreed [that] Tagpuan Restaurant (at lahat ng nandito sa ibaba), is not part of the disputed land as the dispositive part of order writ to wit.”

BASAHIN  Trabaho, Trabaho, Trabaho sa Laguna IT hub

“Ang ibig pong sabihin, kami po dito sa ibaba ay walang kinalaman sa usaping lupa. Kaya po kami nakikiusap sa inyo, kayong mga sibilyan, kung sino man sana ang nag-utos sa inyo, payagan nyo po sanang maghanapbuhay ang aming mga empleyado,” dagdag na pahayag ni Jane na nagpakilalang empleyado.

Sa nakuhang impormasyon ng BRABO News, nabili ng may-ari ng Tagpuan Restaurant ang lupa na kinatatayuan ng kanilang establisyimento sa isang auction na isinagawa ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal noong taong 2022 at binayaran pati ang lahat ng buwis at iba pang bayarin para sa dalawang 170sqm, apat na 120sqm at isang 156sqm.

“Kaya ho kami nagtataka kung bakit kami nadadamay sa isyung ito samantalang nabili namin ang nasabing property mula sa Kapitolyo at alam naman natin na malinis dapat ang lahat dahil dumaan sa isang auction,” ang pahayag ng may-ari na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Lilinawin umano nila ang bagay na ito hindi lamang sa pamahalaang panlalawigan kundi pati na rin sa bayan ng Angono dahil tama at kumpleto ang binabayaran nilang buwis.

Sa ngayon ay humihingi sila ng diyalogo kay Mayor Gerry Calderon upang tuldukan na ang isyung ito sa legal na paraan dahil hindi kukulangin sa 300 manggagawa ang apektado sa sigalot na ito.

“Nakakapanghinayang lang. Unti-unti nang nakikilala ang overlooking area ng Angono dahil sa mga nag-usbungan na business establishment, ngunit dahil lang sa kakulangan ng koordinasyon at maayos na diyalogo ay magiging ghost town ang dating masiglang business area na ito,” saad pa ng isang customer mula sa Makati na nakasaksi sa nasabing tensyon.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

Palugit ng LTFRB, hindi malinaw — PISTON

Nagdulot ng kalituhan sa mga jeepney driver ang isang kondisyon na inilatag ng gobyerno tungkol sa deadline ng franchise consolidation. Kaugnay ito sa ibinabang memorandum...