HomeNewsNasyunalKaalyado ni Mayor Vico...

Kaalyado ni Mayor Vico na si Cong. Roman Romulo, idinawit ng mag-asawang Discaya

IDINAWIT ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya ang kaalyado sa pulitika ni Pasig City Mayor Vico Sotto na si Congressman Roman Romulo sa kontrobersya sa isinasagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa anomalya sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) partikular na sa flood control projects.

PANOORIN: ‘Bagman’ ni Pasig City Cong. Roman Romulo ibinulgar ni Curlee Discaya; iba pang mga kongresista personal na inabutan ng pera ni Discaya

Sinabi ni Curlee Discaya na nagbibigay umano siya ng parte ni Romulo na umaabot minsan ng 30%, sa pamamagitan ni DPWH District Engineer Aristotle Ramos, ang bagong bagman ni Romulo ngayong 2025.

Pero bago si Ramos kay Angelita Garocha muna niya umano ibinibigay ang ‘parte’ ni Romulo. Si Garucha ay ang project engineer ng DPWH na naka-base sa lungsod.

“Sa Lungsod ng Pasig naman lumapit sa akin ang DPWH Project Engineer na si Angelita Garocha para kolektahin ang parte ni Cong. Roman Romulo sa flood control projects noong 2022,” ang pahayag ni Discaya.

“Sinabi ko kay DE Ramos na masyado naman mataas [ang 30%] ngunit sinabi nya na wala [tayo]ng magagawa dito dahil pondo ito galing sa unprogrammed funds at insertion galing sa taas,” dagdag pa ni Discaya.

Mariin namang itinanggi ni Romulo ang pagkakadawit sa kaniya nina Discaya na sangkot umano siya sa maanomalyang mga flood control projects na kinontrata ng mga kumpanya na pagmamay-ari ng mag-asawa.

“I strongly deny these malicious and fabricated allegations linking me to anomalous bidding. I was never involved in any bidding nor in selecting contractors for DPWH projects,” ang pahayag ng kongresista.

BASAHIN  312 eskuwelahan napinsala ng Bagyong Uwan

“In this regard, it is quite clear that these accusations are nothing more than an attempt to divert attention, shift blame, and evade accountability for matters properly within their responsibility,” dagdag pa ng mambabatas.

Ayon pa kay Romulo, sinisira lang umano ng gayong uri ng mga taktika ang integridad ng isinasagawang pagdinig at inililigaw ang publiko sa walang basehan na mga pasaring.

“I challenge my accusers to present clear and solid evidence. I remain committed to serving Pasig with honesty and integrity and no amount of black propaganda will stop me from doing my job,” giit pa ng kongresista.

Samantala, pinuna naman ni Mayor Vico ang mga pahayag ng mag-asawang Discaya sa patuloy na isinasagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa anomalya sa mga flood control project.

Ayon kay Sotto, marami umanong pagkakasalungatan ang mga pahayag ng mga-asawa sa nasabing pagdinig tulad umano ng 2-3% lamang na contract cost ang kita nila bawat proyekto.

“Sinong gagawa ng gano’ng kalaking krimen para sa 2-3% na kita? ‘Wag tayong magpauto sa mga paawa effect nila… The challenge is now how to sift through the half-truths and attempts to mislead us, not only of the spouses Discaya but of everyone involved,” ang sabi ng alkalde.

“Obviously there are congressmen, DPWH officials, and contractors who are guilty. But the Spouses Discaya are clearly angling to become state witness. Para di sila makulong. We know they are capable of lying (just go back to their campaign period videos and posts),” sabi pa ni Sotto sa Facebook post nito.

BALITANG NASYUNAL

spot_img

METRO MANILA

BALITANG PROBINSYA

POLICE REPORT

IBA PANG MGA BALITA