10,000-person task force para hulihin si Bato binuwag ng DILG

Share

BINUWAG na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang binuo nitong 10,000-katao na Task Force para arestuhin si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Ito ang sinabi ni DILG Secretary Junvic Remulla matapos kumpirmahin ng International Criminal Court (ICC) na wala pa itong inilalabas na warrant of arrest para sa nagtatagong senador.

Sa halip, ayon sa kalihim, mag-i-isyu na lamang sila ng subpoena kaugnay sa mahigit 100 kaso ng extra-judicial killings (EJKs) na isinagawa sa panahong hepe pa si dela Rosa ng Philippine National Police (PNP) sa administrasyon ng dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon pa kay Remulla, may balita umano sila na nasa bansa pa ang senador at nagtatago sa Davao Region sa Mindanao.

BASAHIN  Bato hindi “matic” ibibigay ng Pinas sa ICC

Maliban kay dela Rosa, may ilan pang dati at aktibong mga opisyal ng pulis na pinaniniwalaang sangkot sa extra-judicial killings na padadalhan din ng subpoena.

Nilinaw ni Remulla na ang ii-isyu nilang subpoena ay hiwalay o walang kinalaman sa kaso ng senador sa ICC dahil hindi na umano miyembro ang Pilipinas sa nasabing international judicial body.

Dagdag pa ng kalihim, na isang uri lamang ng imbestigasyon ng DILG-PNP ang kanilang ginagawa may kinalaman sa war on drugs na nauwi umano sa EJKs na nangyari noong nakaraang administrasyon.

IBA PANG BALITA

Marcos courts global investors in Singapore following economic status upgrade

PRESIDENT Ferdinand R. Marcos Jr. has made a direct pitch to global investors here, urging them to partner with the Philippines as it enters...

Cultivating Creativity: 9th Ortigas Art Festival brings “Art for All” to GH Mall

THE intersection of community and culture takes center stage as the 9th Ortigas Art Festival transforms GH Mall into a vibrant, multidisciplinary hub of...

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

Grassroots groups urge Mayor Isko Moreno to ban indoor smoking and vaping areas in Manila

A coalition of 25 grassroots organizations has called on Manila Mayor Isko Moreno to implement a total ban on indoor designated smoking and vaping...

Egoy huli sa black coccaine

Nalambat ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang miyembro ng West African syndicate na nagsu-supply ng kakaibang illegal na droga...