HomeNewsNasyunalChavit: ‘Marcos magbitiw ka...

Chavit: ‘Marcos magbitiw ka na’

TAHASANG ipinahayag ni former Ilocos Sur governor Luis “Chavit” Singson na magbitiw na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang hindi na umabot sa punto na mangyari sa Pilipinas ang kasalukuyang nangyayari sa Nepal at Indonesia kung saan sinugod ng mga nagpo-protesta ang bahay ng mga pulitiko.

Sa isang press conference sa Club Filipino sa San Juan City, sinabi ni Singson na dapat umanong unahin ang imbestigasyon sa mga flood control projects sa Region 1 partikular na sa mismong lalawigan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Ilocos Norte.

Ayon kay Singson imposible umanong hindi alam ni Marcos ang mga proyekto sa lalawigan nito kung saan ang mga kumpanya rin ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya ang kontraktor ng mga ito.

Inisa-isa ng dating gobernador ang nasabing mga flood control projects sa Ilocos Norte at kung anong kumpanya ng mga Discaya ang gumagawa nito.

“Walang patutunguhan ang imbestigasyon na isinasagawa ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso at mas mabuting magprotesta ang mga tao sa isang mapayapang paraan,’ ang pahayag ni Singson.

Hinimok ni Singson na ang nasabing protesta ay dapat aniyang pangunahan ng mga estudyante mula high school hanggang kolehiyo sa pamamagitan ng hindi muna pagpasok sa eskuwelahan hangga’t hindi bumababa sa pwesto ang mga pulitiko.

BASAHIN  Cash gift sa may edad na 80, 85, 90, 95

Giit pa ni Singson na dapat hayaan ang mga kabataan lang ang manguna sa mapayapang protesta ngayon dahil para din ito sa kanilang kinabukasan.

Kapag bumaba na ang lahat ng pulitiko, iminumungkahi ni Singson na pamunuan muna ang bansa ng mga religious organization, pulis at militar at wala na dapat aniya kahit anino ng mga pulitiko.

Hindi na rin aniya mapagkakatiwalaan ngayon ang Pangulong Marcos sa mga pinagsasabi nito dahil sinungaling daw ito. At nung tinanong kung ano ang sinabi nito na hindi totoo, binanggit nito ang tungkol sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

“Sinungaling ang ating presidente. Sinabi niya na ayaw niya ng impeachment [ni VP Sara], pero bakit nanguna pa mismo ang anak nito na si Congressman Sandro Marcos na pumirma. Isang utos lang niya sa mga kaalyado niyang congressman, dahil majority sila, susunod na yon sa kaniya,” ayon pa kay Singson.

Dumalo sa nasabing press conference sina dating defense secretary Delfin Lorenzana at dating National Security Adviser Hermogenes Esperon sa nakaraang administrasyong at  Ka Eric Celiz, kilala bilang supporter ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.

BALITANG NASYUNAL

spot_img

METRO MANILA

BALITANG PROBINSYA

POLICE REPORT

IBA PANG MGA BALITA