TESDA, STI nag-kolab para sa libreng AI training

Share

ISANG kolaborasyon sa pagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at STI College (STI) ang nabuo upang itatag ang Artificial Intelligence (AI) Readiness Training Program para mas mapadali na ang mag-upskilling sa mga emerging technologies.

Tinaguriang “Sumabay sa AI,” layon ng nasabing programa na palawakin ang access sa mga future-ready skills at buksan ang mas maraming trabaho para sa mga FIlipino sa buong bansa.

Sa pangunguna ni TESDA Deputy Director General Galo Glino III na kumatawan kay Secretary Kiko Benitez, ginanap ang launching ceremony sa STI West Negros University, Bacolod City, upang magkaloob ng mga pagsasanay sa manggagawang FIlipino na nakahanay sa pandaigdigang pangangailangan ng mga industriya.

Alinsunod ito sa pangarap ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na bumuo ng future-ready at digitally-empowered na manggagawang Filipino na kayang makipagsabayan sa buong mundo at handa para sa Fourth Industrial Revolution.

“Oras na para sumabay tayo sa AI dahil kung hindi, tayo rin ang mapag-iiwanan. Through this new training, we are opening doors for our learners to participate meaningfully in the digital economy and secure better futures for themselves and their families,” ang pahayag ni Benitez.

Ang inisyatibo ay magbibigay-daan sa mga specialized courses sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program (TWSP) kabilang na ang Data Collection and Annotation (Data Science/Artificial Intelligence) Level II, AI Prompting for Automation Level III, at Data Analytics Level III, na dinesenyo para sa mga career sa digital and AI driven economy.

BASAHIN  Angara: Balik-eskuwela 2025 naging maayos

Isinagawa rin ang Training Induction Program (TIP) para sa mga iskolar na nagbibigay oryentasyon sa mga dapat asahan sa training, training structure at professional responsibilities upang matagumpay na matapos ang training.

May kabuuang 50 iskolar mula sa Bacolod City ang kalahok sa inisyal na training, 25 ang iskolar sa AI Prompting at 25 naman sa Data Collection and Annotation.

Idinagdag pa ni Benitez na inaasahang 3,273 iskolar ang magbebenepisyo sa buong bansa mula Abril hanggang Disyembre 2026.

Ang programa ay bukas sa mga FIlipino citizens, at least 18 years old sa panahon ng pagkumpleto sa training, naka-kumpleto ng 10 taon ng basic education o nagtataglay ng ALS Grade 10 certification, physically and mentally fit, kayang makipag-talastasan sa basic English (pagsasalita at pagsusulat) at nagtataglay ng basic computer skills.

Bilang pagsunod sa mandato ng TESDA, bibigyang prayoridad ang mga aplikanteng returning Overseas FIlipino Workers (OFWs), displaced workers, unemployed at mga out-of-school youth.

Ang AI programs ay ipapatupad sa Aklan, Bacolod, Bataan, Benguet, Bulacan, Camarines Norte, Cebu, General Santos City, Isabela, Manila, Ilocos Norte, La Union, Laguna, Leyte, Las Pinas, Pampanga, Quirino, South Cotabato, Sultan Kudarat at Tarlac. Ang mga interesadong aplikante ay pinapayuhang makipag-ugnayan sa malapit na TESDA office sa kanilang lugar dahil limitado lamang ang available slots.

Ang AI Readiness Training Programs ay isinasagawa sa pakikipagtulungan ng mga nangungunang educational institution tulad ng STI College, AMA Education System at iba pang partner institutions sa buong bansa.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

DA, Pasig LGU, tumanggap ng award mula sa KWF

TUMANGGAP ng award ang Department of Agriculture, Pasig City Government, at 22 iba pangtanggapan ng gobyerno mula sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) dahil...