Panukalang dagdag kapangyarihan sa OVP isinusulong ni GMA

Share

ISINUSULONG ni former president at ngayo’y Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal Arroyo ang isang panukalang batas na naglalayong patatagin pa at bigyan ng karagdagang kapangyarihan ang Office of the Vice President o OVP.

Ayon pa kay Arroyo, na naging pangalawang pangulo rin, nais niya na iangat ang opisina ng OVP at hindi lamang nagtataglay ng ceremonial duties kundi kailangan aniya’y maging klaro ang magiging layunin at papel ng isang kumakatawan nito.

“Ang panukala ay detalyado at espisipiko pagdating sa magiging papel ng pangalawang pangulo sa pagsusulong ng mga programa at tiyaking epektibo na maihahatid ang mga social services at pagpapatupad ng mga bagay may kinalaman sa socioeconomic,” ang pahayag ni Arroyo.

Kalakip din sa nasabing batas ang mga programa ukol sa nation-building, pagiging kinatawan ng pamahalaan sa internasyunal na mga pagtitipon at may kapangyarihan bilang isang lider na tugunan ang anumang mahahalagang mga isyu.

BASAHIN  Hamon kay VP Sara: Patunayang ‘weakest link’ si Madriaga sa pagharap sa Kongreso

Sa ilalim din ng panukalang batas, hindi na magiging “spare tire” ang isang pangalawang pangulo tulad ng nakagawian kundi magbibigay din siya ng payo sa pangulo kung paano ipatupad ang mga kautusan para sa ehekutibo at administratibo.

Maliban aniya sa chief of staff, magkakaroon di ng apat na assistant chiefs of staff, gayundin ng dalawang permanenteng position para sa direktor at apat pang direktor na coterminous.

Magtatatag din ng mga satellite offices upang pasulungin pa ang paghahatid ng mga serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa panahon ng mga pangangailangan.

Sinabi pa ni Arroyo na dapat magkaroon na rin ng permanenteng opisina para sa OVP, kasama na ang opisyal na tirahan at magtatayo ng Museum of the Vice Presidents.

IBA PANG BALITA

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

Poe, kinondena ang NGCP dahil sa Panay Island blackout

“Hindi katanggap-tanggap na nangangapa na naman sa dilim ang ating mga kababayansa Panay Island,” ito ang opisyal na pahayag ni Senador Grace Poe, kahapon. Dapat...