Security plan para sa ‘White Ribbon Movement’ rally inilatag ng EPD

Share

INILATAG na ng Eastern Police District (EPD) ang security plan para sa nalalapit na “White Ribbon Movement” rally na gaganapin sa EDSA People Power Monument sa Hunyo 28.

Magsisilbing Civil Disturbance Management (CDM) ang mga EPD personnel na itatalaga sa EDSA Shrine para panatilihin ang kaayusan, tiyakin ang kaligtasan ng publiko, at maglaan ng seguridad sa iba pang gagawing activity.

Magdadagdag din ang District Headquarters (DHQ) ng puwersa mula sa Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan City Police Stations (PaMaMariSan CPS) bilang Reactionary Standby Support Force na nakahanda anumang oras bilang reinforcement.

Samantala, patuloy na paiigtingin ang anti-criminality operations sa buong Metro East, partikular na sa mga transport terminal, commercial establishments, major thoroughfares, at iba pang pasilidad at matataong lugar, bago, habang at pagkatapos ng rally.

Nakipag-ugnayan na rin ang mga otoridad sa iba’t ibaang ahensya, lokal na pamahalaaan, force multipliers, at emergency response team upang tiyakin ang kaayusan sa nasabing rally.

BASAHIN  3 Foreign nationals dinampot sa kasong kidnapping

Binigyang-diin ni Police Brigadier General Melecio Buslig Jr., district director ng EPD, na pangunahin sa kanila ang matiyak na magiging payapa ang rally habang igagalang ang karapatang magpahayag ng mga raliyesta.

“Tinitiyak ng EPD na magiging payapa at maayos ang White Ribbon Movement rally. Ipinaalala natin sa ating mga tauhan ang maximum tolerance, igalang ang karapatang pantao, at makipagtulungan sa katuwang na mga ahensya at LGU kaugnay sa kaligtasan ng mga sasama at dadalo,” ang pahayag ni Buslig.

Hinihikayat din ng mga otoridad ang publiko na maging mapagmatyag, makipagtulungan sa mga alagad ng batas, at kaagad na iulat sa pinakamalapit na istasyon ng pulis ang anumang kahina-hinalang gawain.

IBA PANG BALITA

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

3 patay, 3 sugatan sa nag-amok na lolo sa Cainta

Dead on the spot ang isang 68-anyos na dating OFW matapos paulanan ng mga bala ang ilang tauhan ng Cainta Police makaraang rumesponde sa...