MULA ₱500 MAGIGING ₱1,000 NA

₱1K dagdag pension para sa mga senior citizen, kasado na

Share

INIHAYAG ni Senior Citizens Partylist Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes na aprubado na ang karagdagang ₱1,000 para sa social pension ng higit 4 na milyong senior citizen sa buong bansa.

Kinumpirma na rin ito ng bagong talaga na Kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na si dating Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.

Ayon kay Gatchalian, ang karagdagang ₱25.6 bilyon na kailangan para doblehin ang magiging halaga ng buwanang pension ay kukunin mula sa “unprogrammed funds” ng departamento.

Ikinatuwa naman ito ni Congressman Ordanes at sinabing nagbunga na rin ang kanilang mga pagsisikap upang mula 500 piso ay magiging 1,000 piso na ang social pension ng mga senior citizen.

“Tulad ng inaasahan natin ilang buwan pa lamang ang nakakalipas, ang karagdagang pondo na ₱25.6 bilyon para sa ₱500 increase ng social pension fund ay kukunin sa 2023 unprogrammed funds. Personal na kinumpirma sa atin ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang bagay na ito,” ang pahayag ni Ordanes.

BASAHIN  Scholarship na kukunin sa real property tax ng LGU isinusulong sa Kamara

Idinagdag pa ng mambabatas na hinihintay na lang ni Secretary Gatchalian ang implementing rules and regulations (IRR) na magmumula sa National Commission of Senior Citizens (NCSC), at na sinisimulan na di-umano ng nasabing komisyon sa pangunguna ni Chairman Franklin Quijano.

“Yon na lang ang kailangan natin, ang IRR mula sa NCSC nang sa gayon ay matatanggap na ng ating mga indigent senior citizen ang karagdagang pension na matagal na rin nilang hinihintay,” dagdag pa ni Ordanes.

Ipinagmamalaki ring sinabi ni Congressman Ordanes na batay sa huling survey na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation, Inc. (RPMD) para sa mga high performance rating sa House of Representatives, nasa Top 10 ang Senior Citizens Partylist.

Nangunguna ang Tingog Partylist, ikalawa ang ACT-CIS Partylist, sinundan ito ng Agimat Partylist, PBA Partylist, 4Ps Partylist, 1-Rider Partylist, Ako Bikol Partylist, Bagong Henerasyon Partylist  (BH), Sagip Partylist at ang Senior Citizen Partylist bilang ika-sampu.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Holdaper sa Pasay City, nasakote sa Oplan Galugad

Natiyempuhan ng mga pulis ang isang notoryus na holdaper na naglalakad at nag-aabang ng mabibiktima sa kahabaan ng Macapagal Avenue, Pasay City. Kinilala ang suspek...