Vico: 2 sa top DPWH flood control contractors pag-aari ng mga Discaya

Share

MULI na namang isinapubliko ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang kaniyang ngitngit sa nakalaban nito sa pulitika na sina Pacifico “Curlee” at Sarah Discaya nang mag-post ito sa kaniyang social media at iniuugnay ang mag-asawa sa mga di-umano’y palpak na mga flood control projects sa bansa.

Ibinatay ni Sotto ang kaniyang rebelasyon sa inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaninang umaga, na 15 contractors ang nakakuha ng P100-B flood control projects sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ilan sa mga construction companies na ito ay pagmamay-ari ng mag-asawang Discaya.

“Dear Pasigueños, This morning, PBBM presented the top 15 DPWH contractors for flood control projects. You may have noticed that Alpha & Omega is top 2 and St. Timothy is top 3; these companies, along with others including ST. GERRARD, are all owned and controlled by the DISCAYAS,” ang pambungad ng alkalde sa kaniyang post.

“Ngayon, unti-unti nang nalalaman ng taumbayan ang buong katotohanan,” dagdag pa ni Sotto, at sinipi ang naging popular na sinabi ng Pangulo sa State of the Nation Address (SONA) nito na: “Mahiya naman kayo!”

Kung pagbabatayan ang paunang sinabi ng DPWH, sinabi ni Marcos na P545 bilyon ang ginasta sa flood control projects mulang maupo ito sa puwesto noong 2022.

“Ewan ko sa inyo, pero napakalaki niyan. Anu’t ano man, sobrang laki niyan,” giit ng Pangulo sa isang press conference sa Palasyo.

BASAHIN  “TUBIGGGGG!”

Sinabi pa ni Marcos na sa 2,409 contractors para sa lokal at nasyunal na mga proyekto, 15 sa mga construction companies na ito ang nakakuha ng proyekto sa halos buong bansa.

Sa karugtong na post ni Sotto, inilarawan niya ang di-umano’y “6 na yugto ng kalakaran ng korapsyon” sa naturang mga proyekto: kuwestyunableng bidding process, sub-standard o baka guni-guning proyekto lang, “SOP” na umano’y lampas sa kalahati ng halaga ng proyekto, hindi wastong pagbabayad ng buwis, dinideklara sa LGU na walang kinikita at panghuli ay ang paggamit ng di-umano’y ninakaw na pondo para gamitin sa pagpasok sa pulitika.

Ayon pa sa alkalde, “mahirap at mapanganib” ang kaniyang ginagawang pagbubunyag ngunit nais niya umanong tapusin na ang sistematikong nakagawiang uri ng korapsyon at gagawin ito sa dalawang paraan:

Una, isusumite niya sa Pangulo ang lahat ng mga impormasyon at napapansing hindi tama (red flags) at ikalawa, itutuloy ang mga kaso upang mabawi “hindi man bilyones ay kahit milyones” na hindi ibinabayad na buwis ng mga Discaya.

“Makolekta lang natin ang utang nilang business tax sa LGU, may pondo na ang Pasig para ipagawa ang building para sa judiciary at national government agencies nang wala na namang binabawasan mula sa ibang programa!,” pagtatapos ni Sotto.

Sinikap ng BRABO News na kunin ang reaksyon ng mga Discaya ngunit wala pa rin silang tugon habang isinusulat ang balitang ito.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

Mga estudyante sa Muntinlupa, nakatanggap na ng school supplies

NAGSIMULA na ang pamamahagi ng Balik-Eskwela Package ng Pamahalaang Lungsod ngMuntinlupa (PLM) nitong Setyembre 4. Ayon sa PLM, makatatanggap ang mahigit 90,000 mga estudyante ng...