“JULIA ROBERTS”.
Ito ang isinagot ni Sharon Cuneta sa isang nurse sa St. Luke’s Medical Center nang
tanungin siya kung ano ang kanyang buong pangalan.
Dahil dito, kinuyog si Sharon ng netizens nang mabasa nila sa social media ang post
nito. “Nurses don’t assume! Kahit sikat ka pa!”, ayon sa isang post.
Dapat daw sinunod at iginalang ni Sharon ang hospital protocol at sinabi nito ang
kanyang tunay na pangalan.
Ayon kay nurse Len, “Regardless po kung sino at ano ang estado sa buhay ng isang
pasyente, artista man o presidente, tatanungin ang pangalan upang kumpirmahin ang
pagkakakilanlan ng pasyente bago sa anumang proseso kahit pa MRI po, upang tiyakin
na ikaw ang tamang pasyente. Ito po ay isang nursing protocol.”
“The Nurse did the right thing. Rules applies (sic) to everyone-celebrities or non-
celebrities! There’s a place and time for jokes!” ayon pa sa isang Instagram post.
“Ms. Sharon, I think you knew why. We have to ask the patient, it is an identifier for
us, for medication, labs all in the name of safety. I am sure she knows who you are
but, it has to come from you…I hope you don’t take it against her… [it’s] protocol,”
ayon pa sa isang netizen, na malamang health worker.
Kahit nagbibiro lamang si Sharon, dapat hindi na niya inilabas ito sa social media, para
hindi na humaba pa. Naghahanap kaya siya ng atensyon?
“Kalma lang po tayong lahat. Protocol po ‘yan. I’m 100% sure she knows this. Hindi
niya first time pumunta ng hospital. Kahit sumakay ng eroplano, or mag-apply for
passport, etc., same ang protocol. Matalino ang mama. Pero alam din nating
pagkatapos sabihin ng Mami ang Julia Roberts, malamang sinabi niya rin “Just kidding.
It’s Sharon Cuneta,”” ayon kay KC Concepcion.
Matatandaang sinabi ng Megastar sa isang post niya noon na mayroon siyang ilang
health issues at kailangang sumailalim sa MRI o Magnetic Resonance Imaging.