Seguridad sa mga eskuwelahan sa Metro East pinaigting ng EPD

Share

PINAIGTING ng Eastern Police District (EPD) ang seguridad sa mga eskuwelahan sa kanluraning bahagi ng Kalakhang Maynila matapos ang madugong insidente sa nangyaring pamamaril sa isang high school sa Tacloban City, Hunyo 22.

Ang nasabing insidente ay kinasangkutan ng dalawang menor-de-edad na mga lalaking estudyante kung saan apat ang namatay at 15 ang sugatan.

Ayon kay District Director PBGen. Melecio Buslig Jr., nagsagawa ang EPD ng strategic deployment sa iba’t ibang mga paaralan sa Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan o mas kilala bilang PaMaMariSan.

Layon ng nasabing deployment na maglaan ng seguridad, panatilihin ang kapayapaan at kaayusan at upang mahadlangan ang anumang posibleng banta para sa proteksyon ng mga estudyante, guro, magulang at mga school personnel.

Sinabi ni Gen. Buslig na mahalaga na maramdaman ng mga stakeholders ang kapanatagan kapag may police visibility na gumagawa ng community engagement, nagpapatrolya at nagmo-monitor.

BASAHIN  Titser arestado sa panghahalay sa estudyante sa Pasig

“Nananatiling top priority natin ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, mga titser at mga magulang. Sa pamamagitan ng pagpapaigting sa police visibility at aktibong koordinasyon sa mga school authorities, matitiyak natin ang seguridad at hindi nahahadlangan ang pag-aaral ng mga estudyante dahil alam nilang ligtas sila,” ang pahayag ni Gen. Buslig.

Kasabay nito, tiniyak din ng EPD chief ang maayos na koordinasyon at magadang ugnayan sa pagitan ng mga pulis at miyembro ng media matapos ang ginawang ‘Meet and Greet’ noong Hunyo 22.

Nagpasalamat din si Buslig sa mga mamamahayag kaugnay sa mahalang papel ng dalawang panig para sa produktibong pag-uulat at paglalathala ng mga impormasyon hindi lamang tungkol sa krimen at droga kundi lalo na sa mga kawang-gawa at good news na gagawin ng mga pulis.

IBA PANG BALITA

Persistent ‘Habagat’ rains threaten Luzon and Visayas as multiple weather systems enhance monsoon

PERSISTENT rains from the southwest monsoon, locally known as habagat, will continue to drench key regions across Luzon and the Visayas through midweek, state...

Monsoon rains gridlock Metro Manila, halting Pasig River Ferry operations

HEAVY monsoon rains enhanced by the southwest monsoon (habagat) triggered street-level flooding across Metro Manila on Saturday, August 8, forcing the continuous suspension of...

PH foreign reserves ease to $103.4 billion in july, maintaining strong financial shield

PH foreign reserves ease to $103.4 billion in july, maintaining strong financial shield THE Philippines’ gross international reserves (GIR) dipped to US$103.4 billion at the...

Sandro Marcos opens up on Duterte camp’s 2022 endorsement terms

HOUSE Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos revealed that the eventual fallout of the "UniTeam" alliance was largely foreseen, pointing to an intense underlying...

Apple Pay officially arrives in the Philippines with major banking partners

APPLE Pay has officially launched in the Philippines, allowing local cardholders to make secure, contactless payments using their Apple devices across retail stores, mobile...

Pilipinas nangulelat sa “talent ranking”

NASA ika-60 na mula sa dating ika-54 na pwesto noong 2022 ang Pilipinas sa talentcompetitiveness sa 64 bansa sa buong mundo. Ito’y ayon sa pag-aaral...